Nabigla si Maria
dahil sa sarili at hindi isina alang-alang ang gusto ng kleyente
niya. Kaya nang lumabas sa banyo ay agad na nakiusap si Maria na
babawi ito at wag siyang isumbong kay mother Lily dahil tiyak na
malaking kaparusahan ang naghihintay sa kanya. Sa sandaling
humingi ng tawad si Maria ay hinawakan ni Don ang kanyang mukha niyaat
inilapit sa kanya.
----------------------
"maganda ka
Magdalena" sabi ni Don habang hawak-hawak ng aking pisngi.
Tila nahihiya ako
kay Don at parang aliw na aliw siya sa mukha ko.
"alam mo
Magdalena, kasing ganda mo ang babaeng iniibig ko" sabi ni Don.
"talaga po?
Hehehe" masayang sabi ko.
"Oo, at pareho
kayo ng pangalan" sabi ni Don.Nagulat ako at kapangalan ko pala
ang namatay na asawa ni Don Mercedez.
"alam mo
kasing ganda mo siya, ganyan na ganyan ang mukha niya noong bata pa
kami" sabi ni Don na malungkot ang mukha.
Alam ko ang
nararamdaman niya, namatay ang kanyang asawa sampung taon na ang nakaraan
at hindi madali iyon para sa kanya.
"alam mo ba na
may anak rin kami" sabi ni Don na naupo sa kama na
malungkot ang mukha.
"Pero wala na
siya, hindi ko na alam kung saan na sila" sabi ni Don na tila
lumuluha ang mata.
Nalungkot ako bigla
sa pinakita ni Don sa akin. Hindi madali ang mawalan ng asawa at
anak. Lalo na ngayon na nag iisa na lang sa buhay.
"makakaya mo
yan Don, ako man ay ulila na rin, wala na akong ina at namatay na
siya sa sakit" malungkot kong sabi kay Don Mercedez habang tinatabihan
siya sa pag upo.
"kinaya ko po
ang lahat, kahit mahirap. Kahit subrang hirap ng kalagayan namin ni
ina kinaya ko po. Pero iniwan niya parin ako" sabi ko na nag
uumpisa nang umiyak.
"pasensya po,
ganito lang po talaga ako pag naalala ko ang ina ko" sabi
ko agad dahil napalingon si Don sa akin.
"ulila kana
pala, asan pala ang ama mo" tanong ni Don sa akin.
"wala na po
akong ama, sabi ni ina sa akin ay itinakwil daw kami ng aking
ama at mahirap lang daw kami" sagot ko kay Don.
Tila natahimik ito
sa narinig sa akin at tinitigan lang ako."siguro mahal na mahal
mo ang iyong ina no?" tanong ulit ni Don sa akin.
"Opo, mahal na
mahal ko po ang ina Magdalena ko" sagot ko kay Don.
"ina Magdalena
mo?" takang tanong ni Don."ay pasinsya na po, Magdalen po
ang pangalan ng aking ina. Ang totoong pangalan ko po talaga ay
Maria, Maria Mercedez" sabi ko.
Tila nabigla ako sa
aking sinabi. Oo naalala ko na. Sa mahabang panahon ang aking
buong pangalan pala ay Maria Mercedez. Bata pa lang ako nang
huli kong matandaan ang pangalan na iyon at nakalimotan ko na
sa mahabang panahon dahil hindi naman ako nag aral na at naging
masalimoot pa ang aking pinag daanan.
Na alala ko nang
buhay pa ang aking ina ay yun daw ang apilyedo ko at yun ang buong
pangalan ko.
"Mercedez?
Maria Mercedez ang pangalan mo? at ina mo si Magdalena? na
kamukha ng iniibig ko?" mga tanong ni Don Mercedez na nakamulat
ang mata na parang nabigla sa kanyang mga narinig.
"Opo, tama po
kayo. ina ko po si Magdalena at ako ay si Maria Mercedez" sagot
ko naman kay Don.
"pariho po
tayong Mercedez ang apilyedo Don" dagdag ko.
Tila napatulala
lang ito at nakatitig lang sa akin.
"Diba po
Magdalena din ang pangalan ng asawa niyo na namatay sa
aksidente?" tanong ko.
"hindi
Magdalena ang pangalan ng asawa ko na namatay, siya si Liby ang
ikalawang iniibig ko" sagot ni Don.
"eh sino po
ang tinutukoy niyo na Magdalena na nawawala?. Akala ko po ay asawa
ninyo?" tanong ko naman.
"hindi, si
Magdalena ay dati naming kasambahay at napagpalagayan ko ng loob. Dahil
sa aming pagmamahalan ay nabuntis ko siya at nalaman ng aking mga
magulang kaya pinalayas nila si Magdalena kasama ang binubuntis
nito" sabi no Don.
"eh saan na po
sila ngayon?" tanong ko.
"hindi ko na
alam, sinubokan ko silang hanapin pero bigo ako" sabi ni
Don na nakatutig parin sa akin.
"ah Maria,
may-may litrato ka ba ng iyong ina?" tanong ni Don Mercedez.
"opo meron po,
nasa kwarto po namin sa itaas" sagot ko.
No comments:
Post a Comment