Nagugulohan din si
Maria at hindi pala ang asawang na aksidente ang tinutukoy ni
Don na kanyang iniibig kundi ang Magdalenang nawala matapos ang
hindi magandang pangyayari. Nag tanong si Don kay Maria kung
meron itong litrato ng kanyang ina. At sa kagandahan ay meron itong
tinatago-tago na nag iisang ala-ala sa ina.
------------------------
"Violy,
Violy" sigaw ni Don Mercedez.Daling nagbukas ang pinto at si
Violy pala ay ang katulong.
"kunin mo
lahat ng gamit ni Maria sa kwarto at dalhin mo dito" utos ni
Don kay Violy.
"opo,
masusunod Don Mercedez" sagot ni Violy.
Pagka alis ay hindi
mapalagay si Don Mercedez sa kakalakad. Tila parang nababalisa
ito at namumutla. Dito ko napansin ang katawan ni Don na makisig
pa ito at hindi pa kulubot ang balat. Nakita ko din na gwapo
itong si Don gaya ng litrato na nasa sala.
"Don ito na po
ang gamit ni Maria" sabi ni Violy pag pasok ng kwarto.
Tumayo ako at
sinalubong si Violy. Tinignan niya ako na parang "ano ang
nagyayari dito".
Ganon.Binuksan ko
ang aking bag at inilabas ang luma kong beltbag na may laman ng litrato
ni ina. Pagkakuha ay binigay ko agad kay Don Mercedez.
"Don, ito po
ang nag iisang litrato ng aking ina Magdalena" sabi ko.
Kinuha naman niya
ito at tinignan. Napanganga si Don Mercedez nang makita ang litrato
ng ina ko.
"Don ano po
ang nangyayari?" tanong ni Violy na nagtataka din.
Kaysa sumagot ay
umalis si Don at pumunta sa sulok ng bahay kung saan ay may maliit na
drawer. Binuksan niya ito at may kinuha na kahon. Nang mabuksan
ay nag umpisang tumulo ang kanyang luha. Pinakita niya sa akin ang litrato
na binigay ko. Kasunod ay pinakita naman nito ang litrato na galing
sa kahon. Nagulat ako. Si ina Magdalena ang nasa litrato ni Don
Mercedez.
"a-ano po ang
ibig sabihin nito" nagtatakang kong tanong.
"siya si
Magdalena, ang babaeng nabuntis ko. At siya din si Magdalena. Na
nanay mo" iyak na sabi ni Don.
Tila naguguluhan
ako at hindi ko pa lubos maunawaan ang lahat. Nalilito ako sa
mga nangyayari.
"Don
Mercedez, anak mo si Maria?" sigaw ni Violy.
Doon ay pumasok na
sa aking isipan ang nangyayari. Si Don Mercedez, Magdalena aking
ina, ako si Maria Mercedez. Ama ko si Don Mercedez?.
-"haaah"
Napaluhod ako sa
gulat. Napahawak ako sa aking bibig na parang gusto kong sumigaw. Bumagsak
ang luha sa aking mga mata. Nakatulala akong nakatingin kay Don na
nakatayo sa harap ko.
"Maria, Maria
anak ni Magdalena. Anak ko" sabi ni Don Mercedez at lumuhod
sa harap ko na umiiyak.
''anak ko, anak
ko patawad huhuhu" iyak ni Don sa aking harapan.
Hindi parin ako
makagalaw sa gulat kaya nilapitan ako ni Violy at itinayo. Pagkatayo
ko ay bigla kong sinampal si Don Mercedez.
-"pak"
Nagulat si Violy at
hindi inaasahan ni Don Mercedez iyon. Itataas ko pa sana ang aking isa
pang kamay at isang sampal pa sana ang aking ibibigay kay Don nang
pigilan ni Violy ang aking braso.
"wag, wag mo
siyang pigilan Violy, wag huhuhu" iyak ni Don na nakaluhod
parin.
"nasaan ka,
nasaan ka" sigaw ko sa mukha ni Don.
"nasaan ka
nang maghirap kami, nasaan ka" sigaw ko ulit habang tumutulo ang
aking luha sa galit.
"namatay si
ina nang walang kalaban-laban, naulila ako at pinagsamantalahan, nasaan
ka" sigaw ko ulit sa mukha ni Don.
Nagulat si Don sa
kanyang narinig sa akin."binaboy nila ako at ginamit ng
paulit-ulit, nasaan ka huhuhu" mahinang sigaw ko at akoy napabagsak
at napaluhod.
"pinahirapan
nila ako at pinagkaitan ng karapatan, ibeninta nila ako naparang isda
sa palengke at pinaglaruan" iyak kong sabi sa kanya.
"nagutom ako
sa kalye at kinaya ko yun, tinakot nila ako at sasaktan kung hindi ko sila
susundin, nasaan ka" sabi ko sabay pakIsang sampal ulit ang
binigay ko kay Don Mercedez sabay titig ng masama sa kanya.
"anak, anak
patawarin mo ako" sabi ni Don.
"ang laki ng
pagkukulang ko sayo, sa inyo ng ina mo" dagdag nito.
"anak babawi
ako, babawi ako sabihin mo lahat sa akin at gagawin ko, babawi
ako sayo anak ko huhuhu" pagmamakaawa ni Don sa harap ko.
"babawi, bakit
mababago mo ba ang buhay ko ngayon, isa akong puta. Isang baboy" sigaw
ko naman pabalik.
"hindi, hindi
ka puta, babawiin kita. At sisiguradohin ko na magbabayad sila
sa ginawa nila sa iyo" ngitngit na galit ni Don Mercedez.
"Violy,
ipatawag mo si Victor at may ipapagawa ako" sabi ni Don sabay
tayo sa harap ko at dahan-dahan na nag bihis. Umalis naman si Violy
at iniwan ako. Itinayo ako ni Don at sinabihan.
"anak, babawi
ako. Sisiguradohin ko na makukuha mo ang hustisya sa ginawa nila
sayo" sabi niya sabay labas ng pinto.
Narinig kong
magkausap si Violy at Don sa labas. May ibinigay na telepono si
Violy kay Don, pero hindi ko marinig ang kanilang usapan. Pumasok si Violy
sa kwarto at nilapitan ako.
"maam Maria,
magpahinga ka muna. Alam kong hindi madali ang lahat pero masaya
ako para sayo, para sa inyo ni Don Mercedez" sabi ni Violy
na umiiyak.
Niyakap ko na lang
si Violy at hindi parin ako makapaniwala sa lahat.
"bibihisan
kita maam Maria, kailangan natin palitan ang damit mo at hindi na
ganyan ang buhay mo ngayon. Isa ka nang tagapagmana ng kayamanan
ni Don Mercedez" sabi ni Maria.
"anong
kayamanan Violy?" tanong ko.
"malalaman mo
mamaya" sabi niya sabay ang ingay ng makina sa labas.
Lumabas kami ni
Violy, pati si alepores ay lumabas din. Nakita namin sa unahan ang dalawang
helicopter na bumaba at sumakay si Don doon kasama ang driver namin
kanina. Hindi ko alam kong saan sila pupunta kaya nag tanong ako
kay Violy.
''Violy saan
pupunta si Don Mercedez?" tanong ko.
"Papa, Daddy,
Itay, dapat matuto kang tawagin siyang ganon. Ikaw na lang ang pamilyang
naiwan niya kaya hindi ka niya pababayaan na mawala ulit" sabi
ni Violy.
"saan nga
pupunta sila itay?" tanong ko ulit.
Ngumiti si Violy sa
akin dahil tinawag ko na itay si Don.
"gaganti si
Don, gaganti sa lahat ng umalipusta sayo at sa pagkatao
mo" sabi ni Violy.
Hindi ko lubos
maunawaan at mas maganda daw kung hintayin ko na lang sila na bumalik
mamaya. Pumasok na ulit kami sa bahay at dinala ako ni Violy sa isang
kwarto na malayo kay alepores. Sa loob ng kwarto ay hindi ako
makatulog. Si Violy man ay nasa labas at parang hinihintay din ang
pag dating ni Don.
"Maria,
Maria" sigaw ni alepores sa labas ng kwarto.
"si mother
Lily" sabi niya.
"oh bakit
anong nangyari kay mother?" tanong ko.
"tumawag ang
taga casa sa akin at si mother daw" bitin na sabi ni alepores.
"si mother
Lily pinugutan ng ulo sa casa" sabi ni alepores.
"pinatay din
daw lahat ng tauhan niya nang lumusob daw ang mga armado sa loob ng
casa" dagdag niya.
Nagulat ako sa
sinabi niya. Pero si Violy parang walang reaksyon.
"paano, anong
nangyari?" takot kong tanong.
"hindi ko
alam, hindi ko alam" sabi ni alepores.
"Maria, umalis
na tayo sa lugar na ito. Umuwi na tayo" sabi ni alepores.
"ikaw
makakauwi ka na, si Maria ay maiiwan dito" sagot naman ni Violy.
"pe-pero
bakit?" tanong ni alepores.
"malalaman mo
din, basta ikaw, pwedi ka nang maka alis at maiiwan si Maria
dito" sabi ni Violy na naka ngiti sa akin.
Hindi alam ni
alepores ang gagawin at paikot-ikot lang siya sa kwarto. Kalaunan
ay narinig na namin ang tunog ng helicopter sa labas. Lumabas
kami at nakita namin na bumaba ang helicopter sabay ang paglabas ni
Don Mercedez.Lumapit ito sa akin na naka ngiti.
"bayad na sila
anak, bayad ba silang lahat" sabi ni Don sa akin habang puno
ng dugo ang kanyang damit.
Nanlaki ang mata ni
alepores at alam niya ang tinutuloy ni Don. Hinarap ni Don si
alepores at tinutukan ng baril.
"wag itay,
akin siya, wag niyong sasaktan" biglang sabi ko.
Sabay na tumingin
sa akin si Don, Violy at alepores. Nakangiti si Don sa narinig na
pagtawag ko ng itay, pati si Violy. Samantala nanlaki ang mata ni
alepores sa narinig. Lumapit si Don sa akin at hinawakan ako sa
magkabilang pisngi.
"salamat anak,
salamat sa pagtawag sa akin ng itay" sabi niya.
"kamukhang-kamukha
mo ang iyong ina, mula mata, ilong, bibig, kilay at porma ng ulo
parihong pariho kayo" sabi sa akin ni itay at hinalikan ang
aking noo.
"maliban na
lang sa tenga na parang dwendi, sa akin mo nakuha oh" sabi
ni don at napatawa kaming lahat.
"mula ngayon
ay magbabago na ang buhay mo. Kakalimutan mo ang lahat ng nangyari
sayo at bibigyan kita ng bagong pag-asa" sabi ni itay.
"lahat ng
nakikita mo sa iyong harapan ay nagiging iyo. Lahat ng negosyo at
pera sa bangko ko ay ibibigay ko sayo. Babawi ako sayo anak, babawi
ako" sabi ni itay habang nakaharap kami sa napakalawak na lupain
na pag-aari niya.
"salamat itay,
Salamat" sagot ko.
"may hiling
sana ako sayo itay" sabi ko.
"ano iyon
anak?" sagot ni itay.
"dalawin po
natin si inay sa cementeryo" hiling ko.
"masusunod
anak, masusunod" sabi ni itay sabay yakap sa akin at halik sa
aking noo.
No comments:
Post a Comment