Napansin ni Maria
na malayo na ang kanilang binaybay sakay ng puting van. At sa
kanilang distinasyon ay isang bahay sa taas ng burol kung saan ay
isang napakagandang desinyo ang makikita sa loob. Sandaling nag
pahinga si Maria at nagbihis ng maganda para sa kanilang kleyente. Hanggang
tinawag na siya ng katulong para mag handa.
------------------------
"kumain muna
kayo, may inihanda ang Don na pagkain para sa inyo" sabi ng
katulong.
Daling bumalikwas
ang alepores at nauna pang lumabas nang marinig ang salitang
pagkain. Oo nga naman, ako man ay gutom na at mahaba din ang
byahi namin. Kaya sumunod na ako at dinala kami sa kusina. Habang
naglalakad kami ay napadaan kami sa sala ng bahay.
Nakita ko ang naka
sabit na litrato ng isang mestiso na lalaki at gwapo ito. Pero
sa kuha ng kanyang litrato ay halatang luma na. Ano kaya ang itsura
ng lalaking kleyente ko ngayon. Pag dating ng kusina ay
nakahanda na ang aming pagkain. Ngayon lang ako nakakita ng
ganong luto at tantya ko ay napakasarap non. Hindi na namin pinatagal
pa at kumuha na ako ng plato pati si alepores. Nag sandok ako ng
kanin at dalawang pares ng ulam.
Unang subo ko ay
ramdam ko agad ang lasa ng karne na may curry at buong kamatis. Ang
isa naman ay manok na inihaw na may butter pa sa taas. Kumakain
naman kami ng curry at inihaw sa casa pero ibang-iba dito sa
pagkakaluto nila. Dinama ko talaga ang sarap ng pagkain hanggang
hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.
"bakit ka
umiiyak iha?" tanong ng katulong sa akin.
"ah wala po,
wala po" sagot ko at ngumiti na lang pabalik sa kanya.
"ang dami mong
drama kanina ka pa, kumain ka na lang jan" sabi naman ng
alepores.
"heeh
bleeh" sagot ko sa kanya.
Kaya natawa na lang ang
katulong.
"ate pwedi mag
tanong?" sabi ko.
"ano yun
iha" tugon niya.
"yung lalaki
sa picture sa sala, yun ba si Don Mercedez?" tanong ko.
"Oo iha, siya
nga" sagot ng katulong.
"bakit po
picture lang niya ang nandoon, wala po ba siyang pamilya?" tanong
ko ulit.
Ngumiti ito sa akin
at tinatantya kung sasagot ba siya sa akin o hindi.
"ang dami mong
tanong Maria, kumain ka na lang jan" sabi ng alepores.
Hinarap ko na naman
ito at dinilatan ng mata.
"alam mo iha
may pamilya naman si Don, pero wala na sila" sabi ng katulong.
"anong wala
po? sila?. Ano po ibig niyong sabihin" tanong ko ulit.
"wala na ang
asawa at nag iisang anak ni Don. Namatay sila nang bumagsak ang
private plane nila sa France habang nagbabakasyon" sabi niya.
Nagulat ako sa
sinabi ni ate.
"sampong taon
na ang nakaraan nang lumipat si Don dito sa probinsya. Lumuluwas
lamang kami pag meron kaming kailangan at importanteng
gagawin" dagdag ni ate.
"lahat ng
pictures ng kanyang asawa at anak pati family pictures nila ay
pinatanggal niya. Kasi nasasaktan daw siya at bakit hindi siya
sumama sa bakasyon na iyon. Sana daw eh magkasama silang
nawala, yun ang lagi niya iniiyak sa kwarto niya gabi-gabi" malungkot
na sabi ni ate.
"kaya ayon
lagi na lang kumukuha si Don ng mga babae na makakasama niya. Hindi
na siya nag asawa pa at inilaan na lang ang kanyang oras sa mga
babae" sabi ni ate.
Nagulat ako sa mga
sinabi ni ate, malungkot pala ang buhay ni Don Mercedez. Mayaman
nga pero wala nang nagpapasaya sa kanya. Buti pa siya mayaman,
ako dukha na nga naka kulong pa. Ay buhay oh Maria.
"mag pahinga
ka muna at mamaya ng kunti ay ipapatawag kana niya pag malapit
na siyang matulog. Yun ang oras na papasok ka" sabi ni ate.
Bumalik na muna
kami ni alepores sa kwarto namin. Nag toothbrush ako at nag ayos
ulit. Binago ko ang make up ko at nag dagdag ng pabango. Nag
hugas ulit ako ng aking ibaba para presko at mabango. Tutal e ito
lang naman ang puhonan ko.
Palagay ko eh
matagal na akong naghihintay sa kwartong ito. Mag aalas onse na
ng gabi wala pang sinasabi ang katulong sa amin. Hanggang sa
-"tok,tok,tok"
"mag handa ka
na at papasok tayo sa kwarto ni Don Mercedez" sabi ng
katulong.
No comments:
Post a Comment