Nagtaka man ay
hindi na nag busisi pa si Maria at laam naman niyang hindi siya
basta-basta makakatakas at isasama nila ang isang alagad ni mother
Lily. Matigas din ang utos ni mother Lily na wag na wag magsalita
ng mga sekreto ng sindikato at siguradong magkaka problena si Maria. Ano
ang gagawin ni Maria sa utos ni mother Lily sa kanya.
--------------------------
Sumakay na kami sa
puting van kasama ang isang babae na alepores ni mother. Tahimik
lang kami sa byahi at unang besis kong lumabas ng mas malayo. Noon
kasi ay sa mall at palengke lang kami nakaka punta pag meron kaming
mga kailangan. Ngayon sa tingin ko ay mas malayo kami.
"kuya saan po
tayo pupunta?" tanong ko sa driver.
Pero hindi niya ako
sinagot at tinignan lang niya ako sa rear view ng salamin. Mukhang
walang balak ito na kausapin ako kaya hindi na ako nangulit. Mabilis
na rin ang aming andar at hindi ko na alam kung saan na kami
ngayon. Sinubokan kung matulog at medyo inaantok ako hanggang
naramdaman ko na medyo bumagal ang andar namin at biglang lubak ng
aming daan. Pag buka ko ng aking mata ay nakita ko na tinatahak namin
ay medyo mapuno at masukal. Hindi ko alam kung saan na kami
ngayon.
"ate saan na
tayo?" tanong ko sa kasama kong alepores.
"malapit na
tayo, dadalhin tayo sa resthouse ng kleyente" sagot ni
alepores.
Ay yun na
nga, isang magandang bahay na gawa sa kahoy ang nakikita ko sa
itaas ng bundok. Ito siguro ang tinutukoy na resthouse ng
kleyente. Pumara kami sa ibabang bahagi ng bundok at kailangan namin
maglakad paakyat. Kaya bumaba na kami at dinala ang mga gamit namin.
Pagkarating
sa habay ay sinalubong kami ng isang babae na naka unipormi ng
katulong.
"sumama
kayo" sabi niya sa amin ni alepores.Sumunod kami sa loob ng
bahay at pag pasok ay namangha ako sa ganda ng loob ng bahay. Gawa
sa kahoy ang buong pader pero galante ang pagkaka desinyo ng
loob. Mayaman na mayaman talaga basi sa desinyo at mga gamit. Pinasunod
kami sa dulong bahagi ng bahay at tinuro ang kwarto namin ni
alepores. Isang kwarto lang kami.
"dito kayo
maghintay habang wala pang sinasabi si Don Mercedez" sabi
ng katulong.
Mercedez pala ang
kleyente namin. Pamilyar ang pangalan niya sa akin. Pero
nakalimotan ko na kung saan ko narinig ang pangalan na iyon.
"magbihis ka
na, kailangan maganda ka sa harap ng kleyente natin" sabi
ni alepores.
"tandaan
mo, hindi ka makakatakas sa amin kaya wag ka nang mag
tangka" dagdag ni alepores sabay pakita ng armas sa kanyang
tagiliran.
"Oo nga eh no
paulit-ulit" inis kong sagot.
Nag bihis ako ng
dress na pula hanggang tuhod ang haba. Nag lagay ako ng kunting make
up at polbo sa leeg. Nilugay ko ang aking buhok at naglagay ng
pabango sa ilalim ng tenga. Habang hinahanda ang sarili ay naka
upo lang ako sa harap ng malaking salamin. Si alepores ay nasa
kama nakahiga at parang naglalaro ng cellphone. Sa edad kong ito
ay hindi pa ako naka hawak ng cellphone. Bawal sa amin at baka magsumbong
kami sa mga tao sa labas laban sa negosyo ni mother.
Isa pa eh sa
edad kong ito ay hindi ako marunong magbasa at magsulat. Bata pa
lang ako ay hindi na maganda ang kalagayan namin ni ina, kaya ako na
ang katuwang niya sa lahat ng gawain at pagkakakitaan. Hanggang
mawala siya at napunta ako kay tiya ay hindi parin ako nakapag aral at
ayaw ni tiya na pag aralin ako. Gastos lang daw ako sa kanya. At mas
kailangan niya ako sa palengke. Doon sa palaengke ko natutunan
ang magbilang at makilala ang pera. Kung pera at bilangan lang naman
ay alam ko ito.
Pero pagdating sa
mga letra ay wala na akong alam. Habang iniisip ang aking kalagayan
ay napatulo ulit ang aking luha. Hindi ko aakalain na ang pagtakas
ko kay tiya at tiyo ay magiging mas masalimuot. Lalo na nang
akoy pagsamantalahan at ibenta ng taong pinagkatiwalaan ko naman
sana. Mas mabuti na sigurong ganito. Ayaw ko na magtiwala kanino
man. Kahit ilang ulit ako gamitin ng iba ay ibibigay ko, basta
wag lang ako sasaktan.
Tutal pagod na
pagod na ako sa buhay ko at nawawalan na ako ng pag asa.
"anong
iniiyak-iyak mo jan" sabi ni alepores. Napansin pala niya ang pag drama
ko dito sa sulok. Hindi ko siya sinagot at nagpunas na lang ako ng
mata.
-"tok,tok,tok"
"malapit ka na
ipatawag ni Don Mercedez" sabi ng katulog.
No comments:
Post a Comment