Matapos tumakas sa kamay ng kangyang tiyo ay
naging palaboy si Maria. Labis na gutom ang tinamasa nito at pati
ang mangalkal ng basura ay kanya nang ginawa. Sa subrang gutom
ay nanlimos na ito. Sa awa naman sa kanya ay pinakain siya ng
dalawang babae sa isang lomihan at doon ay ibinuhos ni Maria ang
kanyang saloobin.
--------------------
"anong sabi mo?" tanong ng unang babae.
"huhu ginalaw po ako ng tiyo ko" iyak
kong sabi.
"por diyos por santo naman yan mga futang lalaki
yan hindi na naawa sa bata" sabi ng ikalawang babae.
"kami nag papagalaw kami pero nagkaka pera naman
kami" sabi ng unang babae.
"ano po?" tanong ko.
"heh bibig mo ano ka ba" sabi ng ikalawang
babae.
"ay, ay wala, wala" sabi naman ng babae.
"pano yan ngayon saan kana
pupunta" tanong ng unang babae.
"hindi ko po alam, hindi ko po
alam" sagot ko.
Natahimik ang dalawa at hindi rin nila alam
ang gagawin. Matapos kumain ay binayaran nila ito at tumayo na
kami.
"sis baka pwedi natin siya ipasok sa
casa" sabi ng unang babae.
"gaga ang bata bata pa niya gagawin mong
fhuta" sagot ng ikalawa.
"loko ka hindi yun ang ibig kong sabihin. Baka
kailangan ni mother ng serbidora sa casa" sagot ng unang babae.
"ay wow ang talino mo talaga, tama ka
nga" sabi ng ikalawa.
"oh diba'' tuwang sabi ng unang babae.
Hindi ko maunawaan ang pinag uusapan ng dalawang
babae. Naglalakad kami ngayon pabalik sa aking unang pwesto.
"ening may lakad kami ngayong gabi, gusto mo
ba sumama sa amin at hahanapan ka namin ng
matutuluyan?" tanong ng ikalawang babae.
"opo, opo. Hindi po ako pabigat. Marunong po ako
sa gawaing bahay. Hindi po ako matalino at hindi po ako napag
aral, pero mabilis po akong matuto pag tinuruan ng mga
gawain" tuwang sagot ko.
"ganito, babalikan kita dito bukas at kakausapin
ko muna ang may ari ng aming tinatrabahoan. Pag pumayag siya ay
saka kita babalikan, okey?" sabi ng ikalawang babae.
"opo ate salamat, salamat po" sagot ko.
"oh siya aalis na kami at kailangan pa namin
maghanapng pera" sabi ng ikalawang babae.
"bye little girly" sabi naman ng unang babae.
Natuwa ako sa mga sinabi nila na tutulungan nila
ako. Babalik sila bukas para kunin ako. Salamat naman at sa
wakas eh makakaalis na ako sa lugar na ito. Kahit papaano ay
takot din ako sa kalye, hindi ko alam ang mga taong nasa paligid
kokong mabubuti ba o masama. Kailangan kong mag hintay hanggang
bukas. Mag hihintay ako.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi ako
umalis sa aking pwesto at baka dumating ang dalawang
babae. Ilang sandali ay hindi ko parin matanaw ang
dalawang babae kagabi. Nag hanap muna ako ng pagkain sa malapit
at sinubokan na manlimos. Kalaunan ay bumalik na naman sa aking
pwesto.
Wala, wala parin sila. Sa maghapon na
paghihintay ay hindi ko nakita ang mukha ng dalawang
babae. Gutom na gutom ulit ako at kailangan ko maghanap ng mahihingan
ng pagkain. Lahat ng dumadaan sa harap ko ay nakikilimos
ako. Pag merong bumibigay ay ibinibili ko agad ng tinapay at yun
lang ang kasya sa mga barya ko.
Natapos ang gabi at wala parin ang mga
babae. Hindi ko alam pero umaasa parin ako na kanilang babalikan
nila. Kinabukasan ay naghintay ulit ako. Ngunit wala akong
nakita ni isa sa kanila. Dumaan ang tatlong araw ay wala
parin. Dito ay nawalan na ako ng pag asa. Oo nga
naman, sino ba naman ako para kanilang tulungan at hindi naman
nila ako kilala. Hindi rin nila ako mapapakinabangan tulad ng
ginawa nila tiyo at tiya sa akin. Kaya sino naman ang maaawa sa
akin.
"ina, pagod na pagod na po ako. Gusto ko na pong
sumama sa inyo. Ayaw ko na po dito. Lagi po akong nagugutom at
nababasa sa ulan. Nangungulila ako sa mga yakap mo ina. Kahit
nahihirapan ako ina ay lumalaban ako. Pero tadhana ko na po
talaga siguro ina ang maging mahina. Ina, mahal na mahal
kita, kunin mo na po ako" mga pangungulila kong tawag sa
aking ina.
Kahit nagugutom at umiiyak ay sinubukan ko paring
matulog. Kailangan kong itulog ang aking sikmura at bukas
ulit ako hihingi ng limos. Pipikit na sana ako nang meron akong
narinig na boses.
"ening?, ening" sabi ng boses babae.
No comments:
Post a Comment