Lumipas ang oras at
araw ay hindi nakita ni Maria ang dalawang mukha na
iyon. Nanlumo si Maria habang iniisip na hindi na siya babalikad
ng dalawa at tutulungan. Dala ng gutom ay umiyak ito at hinanap
ang kanyang ina na siya'y gabayan at siya'y mahina na. Bago
ipikit ni Maria ang kanyang mga mata sa oras na iyon ay may
narinig itong boses ng babae.
-----------------------
"ening,
ening" boses ng babae.
Napamulat ang aking
mata at inaninag ang mukha ng tumatawag sa akin.
"ening, ening
hali ka" boses ulit ng babae.
"bakit
po" sagot ko naman habang dahan-dahan na bumabangon.
"tara alis na
tayo dito" sabi ulit ng babae.
Doon ko na aninag
ang mukha ng babae. Siya yung nagpakain sa akin noong isang
araw. Siya yung nagsabi na isasama niya ako.
"ate, ate
huhuhu, akala ko hindi ka na babalik" iyak kong sabi sabay
yakap sa leeg ng babae.
"pasinsya at
nagka problema ako, pero hito na ako ngayon. Tara aalis na
tayo" simpleng sagot ng babae sa akin.
"opo, opo
sasama po ako sayo" sagot ko sabay tayo.
"kunin mo na
mga gamit mo at ihahatid kita sa lugar ng trabaho ko" sabi
ng babae.
"wala po akong
gamit ate, ito lang bag na maliit" sagot ko naman.
"oh hala siya
alis na tayo" sagot niya sabay hila sa aking kamay.
Napakasaya ko sa
oras na iyon. Ang saya-saya ko at aalis na ako sa lugar na
ito. Pumara siya ng taxi at sumakay na kami. Binaybay namin ang
kalsada sa hindi ko pamilyar na daan. Wala na akong pakialam at
gusto ko nang umalis sa lugar na iyon. Tinignan ko si Ate at
naka ngiti siya sa akin. Siya yung nagbayad ng kinain ko noong
isang araw.
"ate salamat
ha" sabi ko.
"Linda,
tawagin mo akong Linda" sagot ni Ate.
"salamat po
Ate Linda, ako po si Maria" sagot ko naman.
"magandang
pangalan Maria"
"malapit na
tayo Maria, ihahatid lang kita at aalis na ako ha" sagot ni
Ate Linda.
"hindi ka na
sasama sa akin Ate?" tanong ko.
"hindi
na, hahanap pa ako ng pera eh" sagot ni Ate.
"sige ate pero
ano pong trabaho ko doon" tanong ko kay ate.
"malalaman mo
pag pasok mo doon Maria, malalaman mo" bitin na sagot ni Ate.
Makalipas ang ilang
sandali ay tinuro ni Ate Linda ang isang bahay na maraming ilaw
sa labas. Pagbaba namin ni Ate ay maraming babae ang naka tambay
sa labas ng pinto at pumasok na kami. Nakita kong patay-sindi ang mga
ilaw sa loob at naninibago ako. Habang papasok kami ay marami
akong nakitang mga babae na naka upo sa loob ng kwarto
at tanging salamin na malaki lang ang nasa harap.
Hindi ko alam ang
ginagawa nila sa loob. Para silang mga isda na nasa loob ng
aquarium. Patuloy akong hinihila ni Ate Linda
hanggang makarating kami sa isang kwarto na halos puro
usok. Amoy na amoy ko ang sigarilyo at tawanan sa loob.
"mother Lily
nandito na kami" sabi ni Ate sa isang medyo kaedaran na babae.
Nakaupo ito habang
kausap ang iba pang mga babae at kita sa mukha nila ang makapal
na make up na pilit tinatakpan ang mga kulubot doon.
"ito na ba ang
sinasabi mong bata?" tanong ni mother Lily.
"Oo mother
siya na nga" sagot ni ate.
Tinulak ako ng
kunti ni Ate papasok sa kwartong iyon at iniharap sa
matandang babae na mother Lily.
"gaya ng
sinabi ko mother maganda siya, pantay ang ngipin at makinis ang
balat. Hindi pa tumutubo ang parti ng katawan pero aalsa
din siya pag dating ng panahon." mga sabi ni Ate.
"at isa pa
mother hindi na siya berhin, may karanasan na siya" dagdag
ni ate. Hindi ko alam ang pinagsasabi ni Ate. Sinabi din niya ang
aking karanasan at hindi ko alam kong kailangan ba
talaga sabihin yun.
"okey kung
ganon ito ang pera na napag kasundoan" sabi ni mother Lily
sabay bigay ng pera kay Ate Linda. Bakit may bayad? Para saan ang
bayad.
"ening Maria,
mag pakabait ka dito ha. Wag kang pasaway at susundin mo lahat
ng sasabihin ni mother sayo" sabi ni Ate sa akin.
Nasa kamay ni Ate
ang pera at siya'y tatalikod na. Hindi ko pa alam ang
aking magiging trabaho sa lugar na ito. Hanggang sa
nagsalita si mother Lily.
"dalhin na ang
bata at paliguan at bihisan, sakto at may kostumer tayo
na mahilig sa dalagita hahahaha" sabi ni mother na naka ngiti sa
akin.
No comments:
Post a Comment