Kahit may kaba ay umuwi naman si Maria
at nahimasmasan ito nang makita na wala ang kanyang tiyo sa
bahay. Matapos maligo ay lumabas na ito. Ngunit laking gulat
niya nang makita ang kanyang tiyo na nkatayo sa harap ng
banyo. Takot man ay dahan-dahan na naglakad si Maria patungo sa
kanyang kwarto. Mabilis itong nagbihis, ngunit hindi pa man
tapos at biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang
kanyang tiyo.
-------------------------
"blag"
Malakas na bagsak ng aking pinto sabay ang pag
pasok ni tiyo. Nagulat man ay mabilis kong isinuot ang
huling damit ko at umatras ako sa sulok ng aking kwarto.
"tiyo, t-tiyo wag kang lalapit
tiyo" pagmamakaawa ko.
"Maria, Maria, Maria, wag kang matakot. Hindi
kita sasaktan" naka ngiting sabi ni tiyo.
Dahan-dahang lumalapit si tiyo sa akin. Takot na
takot ako sa mga sandaling iyon. Nasa pinakadulo na ako ng aking
kwarto at hindi na ako makakatakas pa. Tila nababaliw na si
tiyo. Namumula ang kanyang mata at may laway na tumutulo sa
kanyang bibig. Kailangan kong makatakas kay tiyo. Kailangan kong
makatakas dito.
"tiyo wag kang lalapit, nag mamakaawa ako wag
po tiyo" iyak kong sabi. Pero huli na ang lahat. Hinawakan ni
tiyo ang aking balikat at hinila papalapit sa kanya.
"wag po, wag po huhuhu" umpisa ko nang
hagulgol na iyak.
"hmmm ang bango mo naman Maria,
tamang-tama ang bagong paligo mo at amoy fresh na fresh
ka" sabi ni tiyo habang inaamoy ang aking leeg.
Pilit kong nilalayo kay tiyo ang aking mukha. Ayaw
ko siyang tignan. Natatakot ako sa kanya. Hawak niya ang
nagkabilaan na balikat ko at inaamoy ang aking leeg. Hanggang sa
may naramdaman ako na malamig sa aking balat. Nilabas pala ni
tiyo ang kanyang dila at umpisang inilakbay doon. Halos manginig
ang aking tuhod sa kiliti na ginawa niya. Pero ayaw ko, ayaw ko
kay tiyo.
Kaya habang ginagawa ni tiyo iyon ay lumingon ako
sa kanya. Nakita kong naka yakap ito sa akin at nakayuko ito sa
aking leeg. Disidido na ako sa aking gagawin. Kaya buong lakas
kong inangat ang aking tuhod at itinama ko ito sa ilalim ni tiyo.-
"bhag"
"ahhhh" sigay ni tiyo.Sabay noon ay tinulak
ko siya at napatumba ito sa sahig. Sumisigaw ito
habang hinahawakan ang kanyang ilalim na aking sinipa. Nataranta
na ako sa aking gagawin, hindi ko alam kong saan ako tatakbo.
"papatayin kita, fuuuhwtah hina
kaah" sigaw ni tiyo habang namimilipit sa sakit. Akmang
babangon sana si tiyo para lusobin ako, kaya ang ginawa ko
ay sinipa ko ang dibdib niya dahilan ng paghiga niya ulit sabay
takbo ko sa gilid at kinuha ko ang maliit ko na beltbag na may
laman na kunting pera ko at importanteng gamit.
Tumakbo ako palabas ng kwarto at hindi ko
na nilingon pa si tiyo. Wala na akong pakialam sa kanya, ang
importante ay makaalis ako sa lugar na ito at hindi na ako babalik
kailan man. Tumatakbo ako sa kalsada nang wala akong
pakialam. Maraming tumitingin sa akin.
Nagtataka pero wala akong pakialam. Tumakbo ako ng
tumakbo. Hindi ako lumingon sa likod. Natatakot ako na
baka andiyan na si tiyo kaya tatakbo ako ng tatakbo kahit saan
man ako makarating. Nang medyo hindi ko na pamilyar ang aking
tinatahak ay napalingon ako sa likod. Walang sumusunod sa
akin. Walang humahabol. Malayo na ako.
Wala na ako sa amin. Malayo na ako sa kalupitan ng
aking tiya at tiyo. Pero nasaan ako, hindi ko alam ang lugar na
ito. Pamilyar ang kalye pero nasaan ako. Hawak hawak ko ang belt
bag sa aking kamay. Binuksan ko ito at nakitang halos walang
laman. Buti na lang at dito ko nailagay ang nag iisang litrato ni
inay.
Tanging 300 pesos na kinupit ko kay tiya
ang perang meron ako. Saan ako pupunta nito. Nag lakad-lakad ako
at nakaramdam ng gutom. Kailangan kong kumain, kaya bumili ako
ng isaw at isang supot ng kanin. Gutom parin ako, pero
kukulangin ang pera ko. Kailangan kong makahanap ng paraan.
Makalipas ang ilang araw ay naubos na ang
perang natitira sa akin. Sa kalye ako natutulog gamit ang mga
karton at plastic. Sa awa ng Diyos ay walang masamang nangyari
sa akin dito. Pero hindi ko alam kung hanggang saan ako
tatagal. Subrang gutom ko na. Kahapon pa ako hindi kumakain at
nakalkal ko na lahat ng basura dito sa lugar ko.
"huhuhu ina, gutom na gutom na po
ako" iyak kong tawag sa aking ina. Napahiga na lang ako ulit sa
aking higaan. Nakatulog sa subrang gutom at panghihina. Nagising
ako sa boses ng dalawang taong nag uusap.
"sis malaki kita ko kagabi, gurang sis madaling
utoin" sabi ng babae.
"buti ka pa, akin binatilyo wala naman pera, sakto
lang binigay walang tip hmm" sagot ng isa pang babae.
Hindi ko maunawaan ang kanilang pinag uusapan. Kaya
dahan-dahan akong bumangon at lumapit."mga ate palimos po, gutom
na gutom na po ako" sabi ko.
"ay, ay ang baho mo bata ka alis" sabi ng
unang babae.
"ate maawa po kayo, hindi ko na kaya ang gutom
ko, nanghihina na po ako huhuhu" doon ay umiyak na ako.
Natahimik silang dalawa at tumingin sa akin.
"oh sige na, sige na" sabi ng huling babae.
"tara sama ka sa lomihan jan sa kabila, kaya mo
bang mag lakad?" dagdag niya.
"ano ka ba sis ang baho niya, baka kumalat yan at
dumikit sayo ewww" sabi ng unang babae.
"hindi mabilis lang ito para maka alis na rin tayo
at makahanap ng pwesto" sabi ng huling babae.
Sinama nila ako at inalalayan dahil nanghihina ang
aking tuhod at natumba pa ako habang naglalakad. Pagkarating ay
binigyan nila ako ng kanin at lomi. Kahit mainit ay hinigop
ko ang sabaw. Habang kumakain ay tumutulo ang aking luha at
sipon. Nagugutom pa ako huhuhu.
"shhh tama na, kain ka lang diyan, dagdagan pa
natin yan wag ka nang maiyak" sabi ng huling babae.
"arte mo ha, pinapakain kana nag dadrama ka
pa" sabi ng unang babae.
"maraming salamat po huhuhu" iyak kong sabi
habang kumakain.
"lumayas po kasi ako sa amin, pinagmamalupitan po
ako ng aking tiya at tiyo huhuhu" sabi ko.
"at pinag samantalahan ako ng aking tiyo
huhuhu" dagdag kong sabi.
Nanlaki ang mata nilang dalawa sa narinig.
No comments:
Post a Comment