Kahit nahihirapan
ay hindi nawala ang pag-asa ni Maria na maka alis sa malupit
na lugar na iyon. Nanganganib din ang kanilang buhay pag
sumuway sila sa mga pinag uutos ng matandang babae at kasapi ito
ng sindikato na walang nakakatakas kailan man. Hiniling na lang
ni Maria ay sana dumating ang panahon na maka alis na siya sa
lugar na iyon at habang nag iisip ay pinatawag ito ng
kanilang mother.
-----------------------
"nandito na si
Maria" sigaw ng babae sa labas ng kwarto ni mother.
Hindi ko alam kung
bakit ako pinatawag sa sandaling iyon. Wala naman akong
ginawang kasalanan. Sinusunod ko naman lahat ng iniutos nila
kahit labag man sa kalooban ko.
"pasok" sagot
ni mother.Pumasok na kami sabay ang babaeng alepores ni mother.
"pinatawag
kita dahil ipapadala kita sa isang kleyente" umpisang sabi ni
mother.
"may pumunta
dito na middle man at inutosan siyang maghanap ng maganda, bata
at sexing babae para sa kanyang boss. At ikaw ang napili
ko" sabi ni mother.
Hindi ako
nakapagsalita at naghihintay pa ng mga susunod na sasabihin
niya. Tulad ng dati ay pag meron siyang mga kleyente at regular
costumer ay kinakausap niya akong maging taga aliw dito.
"aalis kayo
ngayong gabi" dagdag ni mother.
"ha teka
aalis, ibig sabihin lalabas kami sa casa?" tanong ko.
"Oo, pero wag
kang mag tangkang tumakas. Alam mo ang mangyayari sayo
pag nagkamali ka ng galaw mo" panakot na sabi ni mother.
"Oo alam ko
ang ibig niyong sabihin mother, pero iba ito. Lalabas talaga kami sa
casa?" tanong ko ulit.
"Oo nga sabi
eh, ulit-ulit?" inis na sagot ni mother.
"sasabay si
Beth na kanang kamay ko sa lakad ninyo ng kleyente. Siya ang
magiging taga bantay mo" dagdag ni mother Lily.
"Oo
naiintindihan ko po" simpleng sagot ko kay mother.
"ngayon mag
handa ka na at balita ko malayo ang byahi niyo" sabi ni mother.
"saka mayaman
ang costumer na ito, baka pag nasiyahan sa performance mo eh
maraming datung ang ibigay sayo" dagdag ni mother.
Hmmm para namang
ibinibigay lahat ng kita namin eh halos hingin na sa amin ang
bawat centavo ng parti namin eh. Humahapdi at sumasakit na nga
itong ibaba ko dahil sa trabaho kong ito eh wala naman akong napapala
sa tagal ko dito. Wala pa rin akong ipon.
Umalis na ako sa
opisina ni mother Lily at bumalik sa aking silid. Ang sistema ng
kwarto namin dito sa casa ay kung saan kami natutulog ay siya
ring kwarto na papasukan ng mga parokyano namin. Bali hindi na
kami lilipat pa sa ibang mga kwarto. Maaga pa naman kaya nag handa
ako ng gamit para sa isang gabihan. Damit, short, panloob, napkin, pabango
at make up.
Naligo na rin ako
para maka handa na ng sarili. Kung totoong mayaman ang aking
kleyente ay tiyak malaki ang ibibigay na pera nito sa akin. Dati
kasi eh hindi kami pweding lumabas ng casa kahit gusto ng parokyano
sa ibang lugar mag liwaliw. Sinigurado ko na malinis ang aking
katawan at sinabon ng todo ang bandang ilalim ko. Gamit din ang
phcare ay sinabon ko iyon para mabango.
Nag meryinda na rin
ako at libre naman kami ng pagkain sa loob. Lahat libre basta
hindi ka lang pwedi lumabas at humindi sa mga pinag uutos nila.
Bandang alas singko ay dumating na ang susundo sa akin. Isang white
van. Tanging driver lang nito ang nandoon at nakita kong parang
may inabot ito na envelop kay mother. Hinala ko ay yun
ang kabayaran sa aking pag sisirbisyuhan.
Bago sumakay ay
kinausap ako ni mother.
"makinig ka sa
akin, wala kang sasabihin sa tunay na trabaho mo sa casa na
ito. Lahat ay kung maaari ay lihim mo. May mga kleyente tayo na
maiingay at hindi maasahan" sabi ni mother.
"isa pa, baka
ang mga yan ay alagad ng batas at kinukuhanan ka lang
ng ibedinsya. Makukulong ka" panakot na sabi ni mother.
"opo,
naiintindihan ko po" sagot ko.
"wag na wag ka
magbibigay ng totoong pangalan mo at aliwin mo ang kleyente
para hindi siya masiyadong matanong sayo. Okey?" dagdan ni
mother.
MORE
STORIES: storylineph.blogspot.com
No comments:
Post a Comment