Nagkita ulit si
Maria at ang babaeng nagpakilalang si Linda. Subrang saya ni
Maria sa sandaling iyon at dadalhin na siya ng babae sa
lugar kung saan ay bibigyan daw siya ng trabaho. Nang makarating
na sila ni Linda at Maria sa lugar na patay-sindi ang mga
ilaw at may mga tao sa loob ng salamin na kwarto ay pinakilala
ni Linda si Maria sa isang Mother Lily.
--------------------------
"Saan niyo po
ako dadalhin" takot na tanong ko.
Hindi nila ako
sinagot at basta na lang nila akong hinila patungo sa likod
na bahagi ng kwartong iyon. Kinakabahan ako sa gagawin ng mga
babaeng ito sa akin. Pero ang dinig ko ay paliligoan daw ako. At
yun nga ang nangyari. Pumasok kami sa isang malaking banyo at pilit
nilang pinaalis ang lahat ng aking saplot.
Nahihiya man ay
napilitan ako at pwersahan na rin nila itong inaalis. Binuhosan
nila ako ng tubig at sinabon ang buo kong katawan. Puro naman
kami babae rito pero medyo nahihiya parin ako at hindi ko
naman sila kilala. Pagkatapos akong paliguan ay pinatuyo nila
ako at binihisan.
Nakita ko ang damit
na inibigay sa akin. Isang spaghetti strap at isang short na
maong na subrang ikli. Hindi ko maintindihan bakit yun ang
ibinigay sa akin. Ang akala ko ay gawaing bahay ang aking
trabaho at bakit ganito ang aking suot. Pagkatapos magbihis ay
lumabas na kami at lumipat sa isang silid na may malaking salamin. Nakita
kong kumuha ng box ang isang babae at binuksan.
Make up kit pala
iyon. Kinuskos at pinasadahan nila ng brush ang aking
mukha. Hindi ko parin maintindihan bakit kailangan ang make
up sa trabahong ito. Kaysa mag reklamo ay hinayaan ko na lang at
ngayon ay tapos na kami.
"Handa na
siya" sabi ng babae sa kasama niya. Hindi ko rin alam ang
ibig sabihin ng babae na handa na ako. Hanggang sa iharap nila
ako ulit kay Mother Lily.
"Ang ganda
mong bata ka, malaki ang kikitain ko sayo" sabi ni mother.
Nagtaka ako sa
ibig niyang sabihin.
"Ano po ang
ibig niyong sabihin mother Lily?" tanong ko.
"Ening, binili
na kita kay Linda at ako na ang nag mamay-ari sayo" sabi ni
mother.
Tumaas ang kilay ko
at hindi ko parin makuha ang ibig niyang sabihin.
"Lahat ng
iuutos ko ay susundin mo. Lahat ng ipapagawa ko ay susundin
mo. Oras na suwayin mo ako ay matitikman mo ang lupit ko at
sisiguradohin ko na nanaisin mo na lang ang mawala sa
mundo" panakot ni mother sa akin.
Natakot ako
sa mga sinabi niya kahit hindi ko naman alam ang tinutukoy niya .
"Mister Chan, we
have new candy for you. But this one is expensive candy. A fresh
candy" sabi ni mother sa kausap sa phone. Hindi ko alam ang
candy na tinutukoy niya. Wala naman candy sa kwarto na ito.
"Okey mister
Chan, we will wait for you" sabi ni mother sabay baba ng
phone.
"Dalhin na
siya sa kusina at pakainin, siguradohin na marami siyang makain
at mapapalaban sila mamaya" sabi ni mother sa mga babae.
Kaya dinala nila
ako sa kusina at nakita kong maraming pagkain. Marami din babae
sa kusina at kumakain din.Lahat sila nakatingin sa akin. Parang
naninibago sa bagong mukha. Meron mga bata at dalaga kaming
kasama. Meron din mga medyo may kaedaran na at mga ate
na. Kumakain sila ng tahimik habang naka tingin sa akin. Nahihiya
ako sa kanila, pero sa aking gutom ay mabilis akong nag subo
ng kanin at ulam na manok.
Kailangan kong
lagyan ng laman ang aking tiyan. Masarap ang pagkain sa lugar na
iyon. Matapos kumain ay dinala na naman ako sa isang kwarto na
maganda. Kailangan ko daw maghintay sa loob habang wala
pang inoutos si mother sa akin. Ang iniisip ko ay ang magiging
trabaho ko sa lugar na ito. Dumaan ang ilang minuto at oras ay
hindi naman ako tinawag ni mother.
Naka upo lang ako
sa kama at minsan-minsan ay napapahiga din. Hanggang hindi ko
namalayan at napa idlip pala ako. Pero tika, parang ibang kwarto
na ito ngayon gaya ng kanina. May patay-sindi na ilaw ang kwarto na
ito at maymalambot na kotson.
Hindi ko alam kong
pano ako napunta sa kwarto na ito. Pero nagulat ako nang bumukas
ang pinto.Isang lalaki na intsik ang pumasok at isinara ang pinto na
nakatingin sa akin.
No comments:
Post a Comment