Chapter 9: Hari ng Basketball
Maugong ang sigawan ng mga
manunuod na suportado ang
Taladega University. Isang panalo na
lang at muling maghahari sa
Basketball sa ikaapat na taon ang
Taladega.
Malungkot naman ang mga fans ng
Harrington High. Malayo na ang
narating nila pero ayaw nilang
matapos ang lahat dito.
Ngunit sumigla bigla ang lahat
maging
si Rob ng makitang nakasuot ng
jersey si Derek. Mukhang matutupad
na ang pangarap nya.
Sigawan ang lahat, ngunit di
maiwasang mag alala ni Charity at
Naomi lalo't naka benda pa ang daliri
ng binata.
"god, please take good care of that
crazy boy" bulong ni Lovelyn.
Sa pagpito ng referee ay hudyat na
humanda na ang lahat, ito ang huling
laro ng liga kung mananalo ang
Taladega.
"good luck" ang huling bati ni Rob
kay
Derek na may kasamang ngiting
demonyo.
Nag simula na ang Game 5. Ang
pangarap na laro ng bawat isa.
Kagaya ng mga nakalipas na tip off,
natapik ni Rob ang bola papunta kay
Ken, simula pa lang ngunit agad
tumakbo si Derek sa direksyon ng
bola
at inagaw ito.
"team, galaw kayo, wag hayaang
lumamang ang kalaban" sigaw nya at
agad pinasa kay Keith ang bola. Alam
na ng binata ang gagawin kaya ng
makitang tumakbo si Derek palapit sa
ring ay agad nyang binato ang bola
dito.
Hinabol agad ni Rob si Derek,
naabutan nya ang karibal.
Masusing
tinitigan ang binata, sa unang
pagkakataon, may taong hindi
natakot sa titig ni Derek, hawak nya
ang bola, at inuudyok ang paa na
gumalaw pasulong. Mistulang
magfafake, hindi naman nakukuha
ng
paa nya ang atensyon ni Rob, bagkus
sa bola ito nag focus. Sa isang iglap ay
itinaas ni Derek ang bola sa pormang
titira, dun nakakita ng butas si Rob
para matapalan ang binata.
"di mo sya kaya bata," panlalait ni
Omar kay Derek.
Ngunit hindi tumalon si Derek, ni
hindi sya gumalaw, bagkus., ibinaba
nya ang
kamay at titig na ngumiti kay Rob.
Dun nakaramdam ng takot si Rob.
Ang
matang may ibig ipahiwatig.
"sh*t. .FAKE" sabi na lang nya sa
sarili
habang nasa ere sya. Sa pagbaba ng
katawan ni Rob mula sa
pagkakatalon
nya sa ere, dun gumalaw ang binata,
pasadya nyang sinalubong ng
katawan nya ang pababang binata at
inihagis ang bola sa ring.
"shllkk! . ." kasabay ng pagpasok ng
bola ay ang pag pito ng referee
hudyat ng counted foul at unang foul
sa manlalarong kinilala bilang
pinakamagaling sa Distrito.
Sigawan
ang mga fans ni Derek, pati
Harrington team.
"he's back" tanging nasabi ni Kris.
Ngumiti na lang si Rob at di na
nagtangkang mag complain sa
referee, akala nya sa NBA lang nya
napapanuod ang ganung taktika, sa
kamay ni Kobe Bryant. Pero eto
sya, biktima ng taktika ng isa sa
pinakamagaling na manlalaro sa NBA.
Naipasok ni Derek ang free throw
shot
at yun ang hudyat ng bagong simula
ng bagong team ng Harrington.
Pursigido ang bawat isa, sa bawat
patak ng pawis ay ang pag asang
kaya
nilang talunin ang Taladega. Basta
sama sama sila.
2nd Qtr, 32-30 ang score, lamang ang
Harrington, hawak ni Derek ang bola.
Nakaramdam agad ng takot si Rob ng
dire diretsong mag drive ang binata,
kaya naman agad nakidouble team si
Ken sa kanya, ngunit ng parehong
tatapalan na nila ang binata ay
maingat na pinadaan ni Derek ang
bola sa gitna ng hita ni Rob habang
nakalutang sa ere para maihagis
patungo kay Ralph na agad nag bitaw
ng tira ng isang magaling na three
pointer. Pasok, swabeng swabe ang
pagkakatira.
Halos habulan lang ang score, ngunit
kagaya ng pinag usapan, di
pinalamang ng Harrington ang
Taladega.
4th Qtr. Sa score na 73-72 lamang pa
din ang Harrington pero ball
possesion
na ng Taladega.
"believe me Derek, you lied ng sabi
mong di mo kami papalamangin, try
to
stop if you can" sabi ni Rob at agad
bumulusok sa ring.
Isa isa nyang nalampasan ang player
ng Harrington na parang it takes only
him to defeat the team.
Ngunit nagulat sya ng bantayan sya
bigla ni Kris.
"bahala na" ika ni Rob at inakma ang
kamay sa ere para tumira, tumalon
naman agad si Kris para tapalan sya,
ngiti lang si Rob habang pinapanuod
si
Kris na tumalon.
Ngiting ngiti sya
habang napa sh*t naman si Kris,
hinintay nya munang bumaba ang
katawan ni Kris bago nya tinira ang
bola ngunit laking gulat nya ng may
bumulusok pataas mula sa likod ni
Kris.
Si Derek, dinakma nya ang bola at
malakas na niyapos ito pababa na
parang kumuha lang ng rebound.
Hindi makapaniwala si Rob sa ginawa
ni Derek, nagcomplain sya na goal
tending ang ginawa ng binata ngunit
umiling lang ang referee.
Sa natitirang minuto ng 4th Qtr ay
ginawa ni Rob ang lahat para
mapalapit ang score, ngunit parang
sya
ang pinaglalaruan ngayon, sa kamay
ni Derek. Dahil pag isang puntos na
lang ang pagitan nila ay nagawa ng
milagro, hindi, hindi milagro dahil
paulit ulit itong ginagawa ng binata.
Napangiti na lang sya at tinanggap
ang
pagkatalo sa pagtunog ng buzzer,
hindi nya alam kung anung
mangyayari sa Game 6.
Dahil sa ngayon, balot ng takot ang
katawan nya sa pagbabalik ni Derek
Salvador- ang kasalukuyang Hari ng
Basketball.
Sa score na 80-76 ay nanalo ang
Harrington sa Game 5 para mag
extend ang laro.
"two more to go, kaya natin to, kaya
natin" sigaw ni Kris.
Masayang
masaya ang lahat sa pagbabalik ni
Derek.
Ngunit, lingid sa kaalaman ng lahat ay
kanina pa nasakit ang daliri ng binata,
tinitigan ito ni Derek at nakita ang
pamamaga nito.
"wag mo kasi piliting maglaro, di
makakatulong yan sa pag papagaling
mo" malambing na tinig ni Charity.
Agad namang tinago ng binata ang
kamay nya.
"may kailangan akong tapusin, at
walang makakahadlang sakin" galit
na tinig ng binata.
"bakit ba ang tigas ng puso mong
patawarin ako" tanong ng dalaga.
"pinatawad na kita Cha, gusto ko lang
abuting ang gusto ko" sagot ng
binata.
Muling humanga ang dalaga sa
katatagan ng binata,
"kung ganon, mag ingat ka" sabi ng
dalaga kay Derek.
Naisin man nyang sabihin ang totoo
kay Derek, hindi nya to sinabi.
Ang game 6 ay walang pinagkaiba sa
nagdaang game 5.
Natalo muli ang Taladega sa
Harrington para mai tie ang series sa
3-3.
Walang humpay ang sigawan ng
"GAME 7" sa buong court.
Lihim naman na pumunta ng
kulungan si Derek para kausapin ang
matandang principal.
Matagal din silang nag usap,
pinatawad na ni Derek ang matanda
ngunit wala syang magagawa sa kaso
nito.
"iho, mag ingat ka sa Game 7,
Taladega ang kalaban mo" iba ang
tono ng pananalita ng matanda.
Sapat
na ang impormasyong nalaman ni
Derek para bumalik sa court ng
Harrington.
Gabi, at mag isa sya dun.
Naalala nya ng magtapat sya kay
Charity. Nangiti na lang sya, naisip
nya si Naomi.
Seryoso sya sa dalaga pero game 7 na
bukas, at maraming
mangyayari. .ihahanda na lang nya
ang sarili sa maaaring mangyari
bukas.
Game 7.
Dagsa ang tao, kung ang nakaraang
laro ay marami ang dumalo, doble ang
dami ng nanuod ngayon.
Kabado ang lahat, maging si Derek.
Pero hindi dahil sa laro, kundi dahil sa
mangyayari. Expected nya ang
mangyayari ngayon. Sa kaiisip ay
naiwan pa sya sa Locker.
"Derek, lika na, kaw ha, parang gusto
mo ulit" landi ni Lovelyn.
Napangiti na
lang ang binata.
"mamayang gabi na lang Love" sagot
ni Derek. Nagblush pa si Lovelyn ng
marinig na Love ang tinawag sa
kanya ng binata imbes na Lyn.
Umpisa ng Game 7.
Walang pinagkaiba sa nakaraang laro,
naghahabulan ng score ang
dalawang team. Pero parehong
tensyonado sa
sigawan ng mga manunuod.
Huling laro ito, hindi maaaring walang
mananalo, do or die. May uuwing
masaya at malungkot.
Pero hindi malungkot na uuwi ang
Harrington.
Maganda ang performance na
pinakita
ng bawat isa. Teamwork ang pinairal
at walang naging pabigat.
Lalo't may mga umaasa sa kanila.
Ang
pangarap na matagal ng gustong
makamtan ni Kris ay malapit na
nyang
mahawakan.
Ng mag 4th Qtr na ay hindi pa rin
malamangan ng kalaban sila Derek.
The crowd are on their feet, isang
matinding floater ang binitawan ni
Derek na nagpatili ng bawat
kababaihan.
"look at that boy, parang kelan lang
binusted ko sya," pag iling ni Lovelyn.
Si Charity nama'y di mapigilan ang
luha ng makitang natakbo pabalik si
Derek para dumipensa.
"he's the one who caugh my heart."
tanging bulong ni Charity.
Sa huling segundo ng laro ay ramdam
na ang saya sa team Harrington.
92-91 ang score. Last 8 seconds.
Masusing nagbantay ang bawat
manlalaro ng Harrington High.
Bumilang na ang oras.
8. . . Pinasa ni Ken ang bola kay Leo,
ubos oras lang sila. .7. .6. .5. . 4. . .3.
Nawala sa depensa ang Harrington,
nawala si Keith sa pagbabantay kay
Ken. Nasulyapan ni Rob si Ken, pinasa
nya agad ang bola.
2. .umarko ang katawan ni Ken at
agad bintawan ang bola. Hinabol sya
ni Derek, malayo. .sobrang layo,
1. .pasok ang bola. .93-92 ang
lumagay sa scoreboard.
"prrp" pito ng referee, tumingin si
Derek sa shot clock. 0.9 sec ang
natitira.
"20 sec time out Harrington" sigaw ng
referee.
Kabado ang lahat, ang saya kanina ay
napalitan ng takot. Nagtalunan na
ang Taladega University.
Umuugong ang "4 years champ" na
sigaw.
"Derek, tira ng tres, make sure pasok
tol. please" sigaw ni Kris. Wala na ding
maisip na paraan si Kris. Di sya
mapakali sa kaba. Takot na takot
magkamali. Si Derek lang ang dapat
gumawa ng huling tira. Dapat
magtiwala sila sa binata.
"show me miracles, Derek" ngiti ni
Rob habang pinapanuod ang
Harrington na di mapakali.
"thats not the idea," sigaw ni Derek.
"what" lahat ay naguluhan.
"dating gawi" ngiti ni Derek.
Sapat na
ang ngiti nya para magtiwala si Kris.
"prrp" pito ng referee at bumalik na
sila ng court.
Lahat ay kabado.
"anong gagawin mo Derek" bulong ni
Lovelyn.
Inbound ni Kris, namataan nya si
Ralph sa 3 point line, katulad ng
ginawa nila Derek para matalo ang
Varsity player ng Harrington dati.
Nakangiti si Kris kay Ralph, agad
tumakbo si Rob at Ken kay
Ralph, ngunit nagulat ang dalawa ng
ihagis ni Kris ang bola sa ring, sinalo
ito ng dalawang kamay ni Derek.
"god, he's amazing" tanging nasabi ni
Naomi.
"ang layo na ng narating mo" bulong
ni Charity.
Buong lakas na bumwelo
ang kamay ni Derek at buong puso
nyang tinapon sa ring ang bola.
Kasabay ng pagtunog ng buzzer.
No comments:
Post a Comment