Chapter 10: Katotohanan
Lahat ay sumigaw sa ginawa ng
binata. Perpekto ang inbound alley
oop. Muling nagbalik sa alaala ni Kris
ng talunin sila nila Derek. Kahit
magagaling ang kakampi nya'y
nakagawa ng paraan ang binata para
lampasan ang galing nila. Ngayon,
titig lang sya sa binata. Ang tumupad
sa matagal na nyang pangarap, ang
championship.
Pinunas nya ang
luha, hindi ito oras para umiyak.
Magulo ang court, talunan, takbuhan,
yakapan, sigawan. Si Derek ay di
makapaniwala sa nangyari,
nakahawak sya sa ulo nya. Tumulo
ang luha sa mata, napaluhod sya sa
gitna ng court. Heto sya ngayon.
Basketball ang naging dahilang kung
bakit sya tinanggap ng ibang tao. Isa
isang bumalik ang mga naganap sa
kanya mula ng araw na sumali sya ng
Varsity.
Masaya, sobrang saya. Maya
maya'y nilapitan na sya ng media.
Syempre, interview mode sya.
Ang huling tanong sa kanya ay
mensahe mula sa kanya.
"mga tol, dude, wag kayong susuko,
eto masasabi ko, Basketball is not a
part of our life, it is LIFE," ika ni
Derek, at natatawa pa nyang
dinagdag ang.
"i don't want to be the next Kobe
Bryant, i just want to be Derek
Salvador"
tapos na ang interview, wala ng media
pero nandun pa din ang mga player.
Nilapitan si Derek ni Rob, nakangiting
aso pa si Rob habang palapit sa
binata.
"blaaagg" napaluhod na lang si Derek
ng tumama sa tagiliran nya ang sipa
ni Rob. Bagsak sya sa sahig. Lahat ay
nagulat sa nangyari.
Panong?
Panong
si Rob ang mananakit ng ganun kay
Derek.
Agad tumakbo palapit sa kanila si Kris
para tulungan si Derek pero sinuntok
sya agad ni Keith. Naguluhan sila
Lovelyn sa nakita.
"happy now? Mr Salvador? Hindi ikaw
ang sisira ng pangalan ko" sabi ni Rob
sa kanya at inapakan pa ang bali
nyang daliri.
"ahhh" sigaw ni Derek sa sakit.
"kuya, stop it" mangiyak ngiyak si
Naomi sa nakita, gusto nyang pigilan
ang Kuya ngunit inawat sya ni Ken.
"akin pa din ang huling halakhak
Rob"
sigaw ni Derek.
Naguluhan naman si Rob sa narinig.
"itaas mong kamay mo" sigaw ng mga
pulis. Agad dumating sina Tony at
Allen na tumawag ng pulis kagaya ng
sinabi ni Derek bago ang laro.
Tumaas naman ng kamay si Rob,
napa atras din ang mga kasabwat
nito.
Pinosasan agad ng mga pulis ang
binata.
"sir, ano po to" tanong ni Rob. Gulat
na gulat sa nangyari.
"Rob, amoy ko na ang baho mo, ikaw,
si Keith, at Charity ang nag usap
kasama
si Ken at iba pa nyong ka team ang
bumugbog sakin, ikaw ang sumaksak
sakin" ika ni Derek.
Gulat ang lahat, maging si Rob ay
nagtaka.
"you're lying hayup ka, wala kang
ebidensya" sagot ni Rob.
"humanga ka sa talento ko kaya
gusto mo akong iligpit, ayaw mong
matalo ka sa huling taon mo sa
highschool, binali mo daliri ko para
sumama ang laro ko, pero di ako
ganun kahina dude, alam mo kung
gano kalalim ang saksak ko, at ibinato
mo lahat ang sisi kay Mr Ramos dahil
bata sya ng papa mo, ikaw ang Ama
ng
dinadala ni Kath, sinadya mong
ipaalam sa magulang ni Kath na si Mr.
Ramos ang may gawa ng lahat para
ipakulong agad ang matanda, para di
na malaman ang baho mo, tapos ng
ayos na ang lahat, pinagawa mo ng
video si Mr. Ramos para labas na labas
ka na sa kaso, dude, tinulungan mo
kaming akusahan ang matanda,
inusog mo ng matagal ang finals para
makalaban ako at ipahiya sa lahat ng
tao, dahil alam mong di ako
makakapag laro ng maayos."
paliwanag ni Derek.
Lahat ay
naguguluhan sa nangyari.
"ang balak ni Mr Ramos ay kunin ako
sa Harrington, ngunit ginamit mo sya
bilang kasabwat, dahil alam mong
nabuntis mo si Kath, at tinakot mo
sya
na pag di pinasagot sakin ang anak ni
Kath ay papatayin mo sya" dagdag pa
ni Derek.
"Rob, gumagamit ka din ng
pinagbabawal na gamot ayon sa
investigation namin" sabi pa ng pulis.
"accept it dude, ma magaling sayo si
Derek, and dude, stop it, stop
everything, magsimula ka" sabi ni
Kris
kay Rob.
"no you're lying, stop it, " ika ni Naomi
kay Derek at sinampal sampal nya ito.
"isa pa to Naomi. ayaw ako ng Kuya
mo para sayo" garagal ang boses ni
Derek. "kuya tell me its not true" sabi
ni Naomi. Di nakasagot agad si Rob.
"last year ko to Naomi, but i think mali
nga talaga ako" ika ni Rob.
Himas himas ni Derek ang daliri nya,
agad naman syang nilapitan ni
Lovelyn.
"napanu na yan" tanong ng dalaga.
"ok lang to Love" sagot ni Derek.
Muling nagblush si Lovelyn. Pero
agad
din syang lumayo kay Derek at
yumakap kay Kris.
Dinala na ng pulis si Rob, kasama ang
ilang kasabwat nito. Di man
makulong
ang binata, irerehab nila ito. Iyak
naman ng iyak ang kapatid nyang si
Naomi. Di na nya nagawang samahan
si Derek na mag celebrate dahil mas
inuna nya ang Kuya nya.
Masaya ang lahat, tuloy ang
selebrasyon, pero bumalik sa hospital
si Derek para magpahinga.
Nanay lang nya ang kasama nya.
Maya maya'y may bisita syang
dumating.
Nangiti na lang sya ng makita ito.
After all, sino nga ba ang naiwan sa
kanya sa huli. . Sumilay ang ngiti sa
labi ni Lovelyn ng makitang ok lang si
Derek.
Masaya naman ang binata ng makita
si Lovelyn-ang first love nya.
No comments:
Post a Comment