Chapter 7: Game 7
Ang game 7 sa pagitan ng Harrington
at Liliputh ay nagsilbing isa sa
makasaysayang laro sa Distrito. Bago
magsimula ang laro ay kinilala si
Derek bilang most valuable player ng
buong season, pero dahil wala sya, si
Kris na lang ang umakyat sa stage at
kinuha ang parangal nya.
Sumunod ay ang video na ginawa ni
Rob ang pinalabas para magsilbing
inspirasyon sa mga katulad ni Derek.
Di halos makapaniwala ang lahat na
si Derek ay isang simpleng
estudyante
lang dati. Nasa video din ang pag amin
ni Mr. Ramos, ang pagpirma nya ng
tseke at pag ako nya na anak nya ang
dinadala ni Kath. Sa tagpong ito ay
walang kaalam alam ang mga
magulang ni Kath tungkol sa
pagbubuntis ng dalaga dahil na
States
sila ngunit planong umuwi ngayong
buwan.
Marami ang dumalo para saksihan
ang
makakalaban ng Taladega University
sa finals. Nandun si Doroy na full
support na sa Harrington matapos
mamulat sa katotohanan.
Ngunit kapansin pansin na sa lahat
ng importanteng tao na dapat
manuod
ng game, ay wala si Rob doon.
"team, inaasahan tayo ni Rob, tayo
ang mananalo" sigaw ni Kris at saglit
na
napatingin sa Locker ni Derek. Di nya
namalayan na pumatak ang luha nya
sa unang pagkakataon.
"alam ko nagkamali ako, pero tol
Derek, para sayo, igagapang ko ang
pangarap ko na nabuhay ng dahil
sayo" sigaw nya.
Di din mapigilan ng
ilan na maging emotional, puwera
lang
syempre kay Keith.
Lahat ay handa na, lumakad na sila
papunta sa court.
Bumukas na ang ilaw, nag test na ng
mic ang announcer, pumunta na sa
gitna ang mga player ng isa isang
banggitin ang pangalan nila. Pero
lahat ay nagulat ng pag tanggal ng
jacket ni Kris ay bumulaga ang jersey
ni Derek na suot suot nya.
"team. Let's play na kasama si Derek,
let's win not because magaling tayo,
let's win because gusto nating
manalo"
sigaw ng binata.
Nag simula na ang tip off. Bawat
dribol ng bola, bawat pasa, tira, drive,
cross
over, dunk, dun nakita ni Kris ang
tunay na Derek. Kulang ang
basketball pag wala ang Derek
Salvador. Sa wakas, nagising din ang
binata, nag mulat ito at nakitang
nasa hospital sya.
"si Kath" agad nyang tanong sa
Nanay nya na nakaupo at
binabantayan sya.
"anak, naku, salamat po Diyos ko"
sabi ng Nanay nya at nag tanda pa ng
krus habang pumatak ang luha.
"nay, sabi ko nasan si Kath," ulit ni
Derek. Ginala nya ang mata nya at
nakita sa paligid na wala si Kath,
tanging si Rob, Naomi at ang Nanay
lang nya ang nandun.
Kusa pa nyang iniwas ang tingin kay
Naomi ng magtama ang mata nila.
Maya maya'y dumating na si
Kath, agad itong yumakap sa binata.
"kamusta yung baby natin" saad ni
Derek, ramdam nya ang sakit mula sa
pagkakatahi ng tagiliran nya pero di
nya to pinansin.
"no, Derek, you must know the truth,
di mo ito anak, i'm sorry, i'm so sorry"
umiyak na ang dalaga.
"dude, na set up ka ng matandang
principal." dagdag pa ni Rob.
"ganun ba, pati ba yung kagabi? set
up ba yun dude, grabe ang galit sakin
ni
Charity, kayang kaya nya pala akong
patayin" malungkot na kwento ni
Derek.
Lahat sila ay di makapaniwala ng
nilahad ni Derek ang nangyari.
"magsampa ka ng kaso" tanging
nasabi ni Naomi.
"wag na" tipid na sagot ni Derek.
"kasi mahal mo sya?" malungkot ang
tinig ni Naomi.
"no Nao, hindi yun ang reason, maybe
he's afraid na walang magawa ang
kasong isasampa nya, dude
tutulungan kitang magsampa ng
kaso, kahit kinse pa lang yung
babaeng yun, pagsampa nun ng disi
otso, saka gagana yung kaso. May
laban ka dude, tutulungan kita" sabi
ni Rob.
"dude, thanks,pero , ayaw ko
talaga. .maraming naitulong sakin
sila Kris, and ok na ang lahat di ba,
wag na
nating ungkatin yun,"
sagot ni Derek at sa wakas, sumilay
ang ngiti sa labi nya.
"so, guess i'm single again"
pagpaparinig ni Derek, napangiti
naman si Naomi na kinikilig pa.
"ako din single" biro nya at
nagtawanan sila.
"nga pala dude, game 7 ngaun ng
semis ah, bat di ka nanuod" tanong ni
Derek.
"e kasi dude, nandito sa hospital ang
papanuorin ko, saka alam kong
mananalo ang team nyo dun" sagot
ni
Rob.
3. .2. . 1
umingay bigla ang lahat ng
nanunuod.
Sa kauna unahang
pagkakataon, maglalaro sa finals ang
Harrinton High.
Masayang nagyapusan ang buong
team habang hinahagis ang jersey ni
Derek. Nagkalat ang alak na
pumupulandit sa sahig.
Sigawan ang mga fans.
May ilang nasigaw ng pangalan ni
Derek. Sa score na 89-88 ay tinalo
nila
ang kalaban at handa ng harapin ang
Taladega.
"team nila dude. Di na ko kasali dun"
malungkot na sagot ni Derek.
"dude, next week na ang finals, gusto
ko makalaban ka." seryosong sabi ni
Rob.
"dude, mahirap yang gusto mo" sagot
ni Derek at tinuro nya ang saksak at
daliri nya.
"magpagaling ka agad dude, basta,
i'm
looking forward na makalaban ka."
sagot ni Rob.
Maya maya'y lumabas na ito,
gayundin si Kath. Naiwan si Naomi at
Nanay ni Derek. Natunugan naman
ng
Nanay ng binata na gustong magsolo
ng dalawa kaya umubo sya at
kunyaring lumabas.
Ngayon, solo nila ang oras.
"kamusta na?" mahinang bati ni
Naomi, nahihiya ang dalaga, hindi
makatingin ng diretso sa mata ni
Derek. Ngiti lang ang bati ng binata sa
kanya.
"hindi ako makapaniwala na nagawa
yun ni Cha" sabi ng dalaga.
"ako din, hayaan na natin yun, halika
nga" yaya ni Derek, lumapit naman
agad ang dalaga at umupo sa tabi ng
binata.
"tingnan mo yang nangyari sayo,
huling laro na ni Kuya, tapos di ka
nya
makakalaro." sabi ni Naomi.
"sayang nga e, anu na kaya nangyari
sa game 7 ng school" tanong ni
Derek.
Napangiti ang dalaga. Muli gumana
ang pagkamalandi nya.
Yumuko sya sa harap ni Derek at
hinila
pababa ang damit nya para
umusbong
ang cleavage nya sa pink na bra.
"bakit yon ang iisipin mo, ako muna
intindihin mo" landi ni Naomi habang
parang batang kinakagat ang isang
daliri.
"naku Nao, gustuhin ko man, di
pwede." sagot ni Derek.
Nagtawanan
na lang silang dalawa.
"alalang alala kaya ako sayo"
mahinang sabi ni Naomi at nagblush
pa.
"hmm? .kaw talaga, mahal na mahal
mo talaga ko noh" biro ni Derek.
Nagkatitigan sila, walang imikan, tila
nag-uusap ang mga puso. Sapat na
ang katahimikang yun para unti-
unting lumapit ang bibig ni Naomi sa
labi ni Derek.
Kusang pumikit ang mata ng dalaga,
masarap, manamis-namis, puno ng
pag ibig. Kay tagal nyang hinintay na
matikman muli ang labi ng binata.
Mahal nya si Derek, mahal na mahal.
"congratulations!" panggugulat ng
team Harrington na biglang pumasok
sa room ni Derek.
Parang wala namang narinig ang
dalawang naghahalikan, tuloy pa rin
ang halikan nila. Namutla na lang si
Charity ng makita ang dalawa.
Lumabas na sya ng room, ayaw nyang
makita sya ni Derek.
Si Keith nama'y agad lumabas at
tumungo sa banyo
"oh. .sh*t," sigawan ng lahat ng
makita ang dalawa.
Ngunit di nagpatinag si Derek at
Naomi. Hanggang kusa silang
napagod.
"tol," bati ng nakangiting si Kris
habang pinapakita ang jersey ni
Derek.
"were going to the finals" sigawan
nila.
Masayang masaya ang lahat maging
si Derek.
"isa na lang ang kulang, ikaw
tol, dapat mapasama ka sa laro" sabi
ni Kris."tol, hindi na siguro ako
makakasama" malungkot na sagot ni
Derek.
"sorry Derek, sorry sa lahat ng
pambibintang ko sa'yo." malungkot
din si Kris. Pero likas na mabuti ang
binata. Mabuti pang sya ang
masaktan, kesa iba.
"tol, kalimutan na natin yun, lahat
naman tayo nagkakamali, saka ayaw
kong magka gap tayo kaya, hanggat
kaya nating kalimutan, kalimutan
natin" tanging sagot ng binata at
akma syang yayakapin ni Kris ng
pigilan ito ni Naomi.
"in your dreams Kris," sabi ni Naomi at
sya ang yumakap kay Derek.
Nagtawanan ang lahat, gumala ang
mata ni Derek pero hindi nya nakita si
Charity. Sinikap nyang sipatin sa
likod, pero wala.
"asan si Charity" tanong nya.
Natahimik ang lahat.
"tol, asa labas" tanging sagot ni Kris.
"asan si Kuya Rob, para
macongratulate kayo" agad singit ni
Naomi para maiba ang usapan.
"yow" sagot ni Rob, lahat ay nagulat
sa bigla nyang pagsulpot.
"so, kayo pala ang kalaban namin,
ipapaalam ko lang na magkakaibigan
tayo sa labas, pero sa ilalim ng court,
magka away tayo" ika ng binata.
"Derek, pina ayos ko na schedule ng
laban natin, hmm, approximately
mamimiss mo game 1- 5, pero wag
kang mag alala, di ko tatapusin ang
laban agad para makalaban pa kita"
sabi ni Rob.
"naku kaw talaga dude, malabo nga
ata ako makalaro" pag iinarte ni
Derek.
"hoy, wag ka umarte dyan, mababaw
lang sugat mo sabi ni Doc." sagot ni
Rob at nagtawanan ang lahat.
Mahaba ang pahinga na natamo ng
mga player, hinihintay ang pagaling
ni
Derek.
Masaya ang binata na bumalik muli
ang tiwala ng lahat sa kanya.
Pero isa pa ang di nya
nakakamtan, ang makausap si
Charity.
Iniiwasan sya ng dalaga, bakit? E di
naman na sya galit dito. Kinalimutan
nya na lahat dahil may
pinagsamahan
sila. At anong sarap sa pakiramdam
pag alam mong nagpatawad ka ng
mga taong may pagkakasala sayo.
Panatag ang puso sa galit, at alagang
alaga sa pagmamahal ng mga
kaibigan at ng kanyang bagong
nobya, sino pa nga ba. Si Naomi.
Dumating ang mga magulang ni Kath
at nagulat ang lahat sa narinig na
balita. Ayon kay Doroy ay napakulong
daw si Mr. Ramos sa pagkakasalang
child abuse. Nasa kulungan na ito at
naghihimas ng rehas.
Panatag naman ang diwa ng Nanay ni
Derek, dahil sa pagiging mahinahon
at
matatag ng anak nya sa pagsubok.
Proud na proud sya sa galing ng anak
na pumili ng desisyon.
Marahil kung sya ang nasa kalagayan
ng anak ay hindi sya matatahimik
hangga't di naghihiganti, ngunit
walang ginawa ang anak nya kundi
magpatawad at magsimula ulit.
Puro practice lang ang ginawa ng
Harrington High, naghahanda sa
Finals. Unti unti. Nag hilom ang sugat
sa tagiliran ni Derek, pati na rin ang
sugat sa puso nya. Kontento na sya
sa
piling ni Naomi, mapagmahal ang
dalaga, laging full support pa rin sa
kanya. At hindi sya iniwan.
Dalawang buwan ang lumipas.
Nalalapit na ang pasko.
Naka schedule ang game 1 bukas,
masayang nagpapractice ang team
nila Kris ng mula sa pintuan ay
nakangiting pumasok si Derek.
No comments:
Post a Comment