MORE HOT PINOY STORIES

Basketball Laro ng Kalibugan : Book 2 - Chapter 6

By kingovhell

Chapter 6: Si Derek

Mistulang foreplay ng isang palabas
ang naganap sa loob ng hospital.
Walang malay ang binatang
nakalatag sa higaang tinutulak ng
anim na nurse. Agad sinalpakan ng
dextrose ang biktima. Mababa na ang
pulse rate.
Patuloy ang pag agos ng dugo sa
tagiliran kasabay ang tuloy tuloy na
patak ng luha ng dalagang may
dahilan sa nangyari.
Naisin man nyang sumigaw ay
walang
boses na nalabas sa bibig nya.

Alalang
alala sya sa binata, sa nagawa, at sa
maaaring mangyari. Pero wala syang
magawa.
"ma'am hanggang dito na lang po
kayo, kami na po muna bahala sa
pasyente" ika ng isang nurse habang
tinutulak ang binata sa Emergency
Room.

Tulala lang ang dalaga na unti unting
naupos na parang kandila sa
kinauupuan nya. Kung ano ang
sumunod na nangyari ay di na nya
alam at siguro, ayaw na nyang
malaman. Kusa nyang pinikit ang
mata para kunin ang idlip,kailangan
nya ito para makalimot.

"Cha, Charity anong nangyari"
tumatakbong pasugod si Kris kasama
si Lovelyn. Di mapakali si Lovelyn ng
makitang naiyak agad si Charity.
Natunugan naman agad ng dalawa
ang nangyari.
"my god Cha, how can you do that,
f*ck! .sabi ko wag mong ituloy"
hinagpis ni Kris at sinuntok ng
dalawang beses ang sementadong
pader ng hospital. Dalawang malakas
na suntok tanda ng galit sa sarili.

Maya maya'y nagdatingan ang ilang
kaibigan ni Derek. Umiiyak din si
Naomi ng malaman ang nangyari sa
dating kasintahan. Wala naman kila
Kris ang nagtangkang sabihin na
gawa ni Charity ang lahat dahil ayaw
nilang mapahamak ang dalaga.
"anong nangyari" tanong ni Naomi.
"napagtripan" tipid na sagot ni Kris.
"dude mukhang sineset up ang bata
mo" sagot bigla ni Rob.
"kasalanan ito ng matandang
principal na yun" galit na sagot ni
Kris.

"oo pero naniwala ka sa kanya Kris"
hagulhol na sagot ni Lovelyn sa
nobyo.
"wag na kayong mag sisihan, bukas
ang game 7 nyo sa Liliputh, goodluck
Kris kung malalampasan nyo sila,
magkita na lang tayo sa finals. But
believe me dude, mahihirapan kayo
sa
team ko" sabi ni Rob. "tol, asahan mo
mananalo kami bukas" tanging sagot
ni Kris.

"dude, sana nga, but again, wala si
Derek, kung sana di ka agad naniwala
sa matandang Principal na yun, dude,
napakaraming dahilan para siraan
ang
pinakamagaling na manlalaro sa
Distrito. Pero, inuna mo ang galit,
ayan, pagbabayaran mo lahat, lahat
ng pangarap mong binuo kasama si
Derek, mababalewala. Dahil di ka nag
iisip" kalmadong sabi ni Rob. Lahat ay
nagmistulang binuhusan ng malamig
na tubig.

Tama si Rob, ni hindi man lang nila
hinayaang magpaliwanag si Derek.
Bagkus, inako nito ang kasalanang di
nila alam kung totoo o gawa gawa
lang.
"wag mong ibaling sa kin ang sisi Rob,
wag mong masama sama yang lintik
na basketball na yan sa usapan dahil
di na ito tungkol sa lintik na larong
yan, dinamay nya ang kapatid ko kaya
dapat lang na magalit ako" nagtaas
agad ng boses si Kris, galit na galit sya
kay Rob.

"f*ck Kris" galit na sagot ni Rob at
agad ginusot ang damit ni Kris at
sinaldak sa pader.
"wag mong malintik lintik yang
larong bumubuhay samin, hindi lang
ikaw
ang nasaktan ng lokohin ni Derek
yang kapatid mo, mas matinding sakit
ang sinapit ng kapatid ko pero hindi
kami nagalit o nagreklamo." dagdag
pa ni Rob.
"pinagtulungan nyo si Derek
bugbugin, tapos tinanggal nyo sa
team, damn Kris, di natin ginusto
lahat ang nangyari" sabi ni Rob sa
kalmadong boses at binitiwan na si
Kris.

"kung tutuusin pwede kayong ihabla
ni Derek, pamimintang ng walang
sapat na ebidensya. But, alam nyang
wala syang magagawa dahil mismong
kaibigan nya tinalikuran sya, kaya
mas minabuti nyang mag focus sa
pamilyang inaakala nyang kanya"
saad ni Rob. Lahat ay nagulat sa
salaysay nito.

Katahimikan, parang lahat ay
natauhan sa narinig. Akmang aalis na
si Rob ng hospital ng magsalita si Kris.
"Rob, bakit mo ginagawa ito, bakit mo
kami tinutulungan" sigaw ni Kris.
"simple lang" sagot ni Rob sabay
gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.
"gusto kong makalaban sa finals ang
team nyo kasama ang bata mo" sagot
nito at umalis na. "Kath, di pa ba
nadating ang asawa mo, gabi na ah"
tanong ng Nanay ni Derek na
kasalukuyang nagluluto.

"eh mama may overtime po ata
sya, malaki daw pong pera ang iuuwi
nya e" walang kamalay malay na
sagot ng dalaga
"naku, sana naman swertehin ang
anak ko, para naman may pera na
kayo sa panganganak mo, teka, kelan
ka nga ba manganganak" tanong
muli ng Nanay ni Derek.
Nagulat si Kath sa tanong na Nanay
ni Derek. 5 months na syang buntis
pero
3 months ang sinabi nya para
magtugma sa pagkikita nila nun ni
Derek. Muli, inatake ng guilty si Kath.
"ma, mama" nagmamadaling
pumasok ang Ate ni Derek sa bahay.

"oh, Lily bakit" tanong ng Nanay nito.
"Si Derek po nasaksak daw ,nasa
hospital po" mangiyak ngiyak na
sagot ni Lily.
Agad bumalikwas ang lahat, mabilis
ang kaba ng Ina sa pag aalala sa
anak.
Gayundin si Kath na inatake ng
sobrang pagka guilty.
Napuno ng iyakan at hinagpis ang
hospital kung san nakahiga ang
katawan ng walang malay na binata.
"bakit,bakit ang anak ko pa?" yang
ang tanong na naglalaro sa isip ng
Nanay ni Derek. Wala syang kaalam
alam sa naganap. Umaasa lang sya na
mag uuwi ang anak ng pera para sa
mag ina nito. Pero sadyang iba talaga
ang pag aalala ng ina sa anak lalo't
iabot ng nurse sa kanya ang lukot na
isang libong piso.

"hawak hawak po nya
yan, nakakuyom po ang kamay
nya, siguro sa sakit ng nararamdaman
ng binubugbog sya kaya nya ito
nalukot, yung kabilang kamay po nya
ay malubha sapagkat nabali po ang
dalawa sa daliri nya. Marahil
tinamaan
po ito ng matigas na bagay base sa
pagkaka maga nito." paliwanag ng
nurse.

Napayakap na lang ang mama ni
Derek kay Lovelyn. Ito lang kasi ang
nakilala nya sa mga kaibigan ng anak
na nagtangkang pumunta ng bahay
nila. Niyakap naman sya ng dalaga.
Si Kath naman ay nasa labas lang ng
hospital, punong puno sya ng guilt sa
sarili, ayaw nyang makita ang binata,
sa loob ng ilang araw ay naging
mabuti
ang pakikitungo ni Derek sa kanya, ni
hindi ito nagreklamo na nahihirapan
sya sa trabaho.

Hawak pa nya ang 1,800 pesos na
perang binibigay sa kanya ng binata
buhat ng magtrabaho ito. Panay din
ang himas ng binata sa tyan nya,
tinuring sya ng binata na totoong
asawa, at ang bata na tunay na anak.
Hindi sya nakarinig ng katanungan o
anu mang pang uungkat sa binata.
Hindi rin nag take advantage ang
binata sa mga gabing niyayakap nya
ito. Ginalang sya ni Derek at awang
awa sya sa binata dahil sa kalokohang
nagawa nya.

Buo na ang pasya nya, kailangan
nilang malaman ang lahat.
Pumasok na sya ng hospital at agad
lumapit sa pwesto nila Kris.
Lumuluha sya ng sinalaysay ang
lahat,
detail every detail. Walang
nakalimutang salita.
"but that doesn't explain kung pano
nya niloko ang kapatid ko" sagot ni
Kris.
"di nya gusto ang nangyari
Kris, matagal ng mahal ni Derek ang
kapatid mo, ngaun lang sya naglakas
loob na magtapat." sabi ni
Lovelyn. "so si Naomi ang niloko ni
Derek." tanong muli ni Kris.

"maybe, para makaganti sya kay
Charity cause she choose Keith
instead of him" sagot ni Lovelyn.
Namunawan muli ang lahat lalo na si
Charity. Ngayong alam na nila ang
lahat, wala na silang magagawa, di na
nila pwedeng i rewind ang lahat.
Napailing na lang si Kris at umasang
magkamalay na ang binata.

Samantalang si Rob naman ay
pumunta sa Far Western University,
takang taka ang lahat kung bakit
napadayo si Rob sa campus nila.
Pinagtitinginan sya ng mga matang
nangunguntya sa kanya. Wala syang
pakialam, pumunta sya roon dahil
may pakay sya.
Napangiti sya ng marating ang
Principal's Office.
"good morning Mr. Ramos" bati nya.

Tila nakakita naman ng multo ang
matanda, agad syang tumayo.
"oh. .go-good morning inaanak"
garagal nyang bati at di malaman ang
gagawin.
"oh, please Mr. Ramos, don't call me
inaanak, matagal na nating
kinalimutan yan di ba?" ika ni Rob.
Tumango lang ang matanda.
"didiretsahin na kita Mr. Ramos,
pwede ba tayong mag usap?"
mahinahong tanong ni Rob.

"o-oo,iho" sagot ng matanda na takot
na takot na tila nakakita ng multo.
"good, look, about Derek, di lang si
Derek ang naapektuhan dun Mr.
Ramos" ngiting aso ng binata.
Napalunok ang binata sa narinig.
"explain the truth, or else. ." napailing
pa ang binata sa banta nya.
"hawak ko ang cellphone ko, and Dad
is just one click away" patuloy ni Rob.
"my god why are you concern bout
that stupid boy" sigaw ng matanda.
"Mr. Ramos i believe you must lower
your voice, and about the fact that
i'm
concern about him, maybe gusto ko
lang makalaro sa finals.

kaya nga tinalo ko agad ang koponan
mong bulok" sagot ni Rob. Natakot
naman
ang matanda lalo't ng makita nyang
hawak na ni Rob ang cp nya.
"sh*t, i'm dead" tanging nasabi nya.
"here, make your statement here na
pinaglaruan mo lang si Derek, and
give apologize to his family" turo ni
Rob habang hawak ang camera.
"ok,ok." parang santo ang matanda
sa
kabaitan. "and also Mr Ramos, i need
your signature sa cheke" sabi pa ng
binata habang pinapaandar ang
camera.
"ok, akin na. .my god" sagot ng
matanda ngunit napatigil sya ng
makita ang halaga ng cheke.
"sh*t, Rob. .i won't give away that
much money" pagtanggi ng matanda
ng makitang 500 thousand ang laman
ng tseke.
"Mr. Ramos, madali naman akong
kausap e, kung hindi mo pipirmahan
yan, mawawala ka na sa FWU, mas
malaki pa tutustusin mo kay Kath."
sagot ng binata.

"f*ck. .i'm dead, so dead" ika ng
matanda at napilitan ng pirmahan
ang tseke.
Ng gabi ding iyon e kinunan ng
statement ni Rob ang matandang
principal na nagpapatunay na sya
ang
may kasalanan ng lahat, na sinet up
nya ang binata, at papanagutan nya
ang anak ni Kath.

"akalain mo, masarap pala mag video
sa camera mo no Mr. Ramos" pang
aasar ni Rob dahil ang gamit nyang
camera ay ang camerang ginamit ng
matanda kay Derek.

No comments:

Post a Comment

MORE TRENDING STORIES