Habang nasa truck papuntang Lucena ay panay lang ang kwentuhan naming tatlo.
Ako ang driver/ahente, katabi ko si Germo ang pahinante at nasa tabi ng
bintana si Hanna na wala daw ibang gagawin kung hindi samahan kami.
"Pare! Pumapayag ka ng ganun!? Aba konting gulugod men!" hiyaw ni Germo
na grabeng mag react, alam ko na gusto lang niya ng intriga.
Si Germo ang Cristy Fermin ng WestWard!
Ang Tito Boy ng Sales Department!
"Hayaan mo sila." sagot ko, para matapos na ang usapan.
"Hayaan!? Pree! Naman! Misis mo ang inaahas sa harap mo wala kang
reaksyon!?" sambit ni Germo with matching hand gestures at facial
contortions.
"Okey lang yon, parang gusto ko pa nga eh...yung mapanood sila ng live
sa kamunduhan nila." biro ko kay Germo.
Napatingin bigla si Hanna sa akin, kung blade ang tingin niya ay hiwa
hiwa na ako sa sobrang talim.
"Huh? Apektado ka Hanna?" tanong ko, kakaiba kasi yung tingin niya.
"Hindeee." sagot nya.
"Sorry sa topic namin kung SPG nakalimutan kong may kasama kaming bata."
tukso ko.
"Excuse me, I'm already 23 and married." sagot ni Hanna, hindi na ulit
siya tumingin sa akin, ang mga punong nadadaanan namin ang tinitingnan niya.
"Ah okey, so asan na ang asawa mo?" tanong ko
"Nasa Manila, uhm...nag wo-work."
sagot ni Hanna, tila nag iisip pa ng isasagot.
"Anong pangalan ng mister mo?" tanong ko ulit.
"Del...Delamar."
"Baka naman nambabae na yun sa Menila bunso, bakit kasi magkalayo
kayo!?" tanong ni Germo, pagdating talaga sa tsismis ganado siya.
"Work related." maiksing sagot ni Hanna, tapos ay malungkot na tumingin
sa ulap.
Wala nang nagtanong ulit sa amin ni Germo dahil parang nalungkot na si
Hanna, baka may something sila ng asawa niya kaya ganun...
Pagdating sa Lucena ay inayos na agad namin ni Germo dapat gawin, ako
ang taga-ayos ng resibo habang si Germo ang nagdedeliver kasama si Hanna
na siyang taga-singil.
Bandang 3PM ng matapos kami sa lahat ng dapat gawin, ang layo pa ng
byahe namin pauwi...antok na antok na ako...si Germo panay ang timpla ng
kape, si Hanna naman sa malayo ulit nakatingin; nagmo-moment.
Habang nasa biyahe kami pauwi, kinausap ako ng masinsinan ni Germo.
"Papi, bale limang taon na tayong magkasama, alam mo ba na pati amoy ng
utot mo kabisado ko na..." seryosong litanya ni Germo.
"So? Anong gusto mong pahiwatig?"
"Alam ko ander ka."
"Alam ko takot ka sa misis mo." dagdag pa niya.
"Oh eh ano nga yon!?" inis kong tanong.
"Sundan natin si Eman at si Lovelyn para naman makumpirma natin ang
relasyon nila!"
"Hinde, sige...wala lang yun, gusto mo lang chumismis eh." sagot ko,
kahit na alam ko na ang totoo....
....kahit na alam kong may relasyon na ang misis ko at ang boss niya.
....ang hindi ko lang alam ay kung bakit niya nagawa yun.
....bakit nga ba?
Makalipas ang ilang araw ay biglang dumating ang isang pagkakataon, a
chance I can't miss....
Friday 8PM, kakauwi ko pa lang sa bahay dahil sa layo ng byahe namin,
buti na lang at restday na ako ng Saturday at Sunday, mapapahinga na ako...
....pagpasok ng bahay ay sa kusina agad ako dumiretso para maghilamos.
Muntik nang malaglag ang panga ko ng maabutan si Lovelyn na nasa kusina
at naghahanda ng hapunan!
"Ha!? Bakit?" gulat kong tanong.
"Masama ba? Minsan nga lang ako dito hon, enjoy ka lang muna dyan."
sambit ni Lovelyn, matamis ang ngiti niya at malambing ang boses.
Masaya ako pero iba ang kutob ko.
Matapos naming maghapunan ay nagpaalam si Lovelyn na maliligo siya,
habang busy si Ara at Kate sa paglalaro ng tablet, may bigla akong
naisip gawin...
Pumunta ako sa kwarto namin ni Lovelyn, chinek ko ang CP niya pero hindi
ko yun nabuksan dahil may password...sinubukan ko namang halungkatin ang
cabinet niya baka may natatago siyang something...
....pero wala pa din!
Sa totoo lang ang lakas ng kaba at kabog ng puso ko habang feeling ko ay
member ako ng SOCO.
Ang exciting, pero nakakatakot....
Susuko na dapat ako nang bigla kong makita ang bag ni misis na nakasabit
sa likod ng pinto, kinuha ko iyon at marahang binuksan....
....dumidilim ang paningin ko sa kaba at nerbyos.
Agad kong napansin ang lumang modelo ng itim na Nokia cellphone...
Dumiretso ako sa messages at binasa ko ang laman nun.. Sabi na at may binabalak si Lovelyn at si Sir Eman!
Hindi pa ako nakuntento, sinuyod ko din ang sent messages, drafts at
saved messages.
Ibinalik ko ang cellphone sa bag, tapos ay muli ko iyong isinabit sa
likod ng pinto...
Nahiga ako sa kama...iniisip ang dapat kong gawin.
Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na si Lovelyn sa kwarto suot ang
puting kamison, bakat na bakat ang magandang hubog ng katawan, tumabi
siya sa akin at masayang nakipag kwentuhan...
....nakangiti din ako, kahit na durog na durog ang damdamin ko...
"Hon aalis na muna ako ha, may lakad kasi kami ngayon...Friday night,
hehe!" paalam ni misis.
"S-sige, sino ang kasama mo?" I asked. Pilit itinatago ang pag-aalala.
"Group namin nila Sir Eman." she said without batting an eyelashes.
"Okay...enjoy kayo." sambit ko.
Matapos iyon ay nag-ayos na si misis ng sarili niya, ako naman ay nahiga
at nagkunwaring tulog.
Bandang 10PM, dumating ang kotse ni Sir Eman at pumarada sa tapat ng
bahay, umalis na si Lovelyn at hindi na nagawang magpaalam sa akin, baka
excited...
....excited much.
Noong nakaalis si Lovelyn ay ako naman ay nag ayos ng sarili at
naghahandang umalis.
Bago ako lumabas ng bahay ay pinuntahan ko si Ara; "Please, ikaw muna
ang bahala kay Kate ha, may pupuntahan lang ako." I said.
"K-kuya...umuwi ka agad ha..."
"Bakit takot kang mag-isa?"
"Hindi po...nag-aalala ako sayo."
Ngumiti lang ako at tuluyang lumabas ng bahay.
Mabilis ang byahe, walang traffic at kaunti ang sasakyan sa Hi-Way,
ilang minuto lang ay nasa SM Calamba na ako.
Sakay ng motor ay hinanap ko sa buong Calamba Junction road ang
pupuntahan ni Lovelyn at Eman.
Gininaw at sinipon na ako sa lamig ng hangin pero hindi ko pa din
mahanap yung lugar.
Hindi ko makita!
Hanggang sa ipagtanong ko na sa mga tricycle driver kung nasaan ang
Aphrodite Bar...
"Liko ka dun sa kanto ser." sambit ni Manong driver na napagtanungan ko.
"Tenkyu Manong!" sabi ko.
Agad akong lumiko sa sinasabi niyang kanto...hanggang sa makita ko ang
Aphrodite Bar...
...mukhang hindi pwedeng pumasok sa loob dahil saradong sarado, at
parang nakakatakot din ang tatlong bouncer na nakabantay sa entrance ng Bar.
Pumarada ako sa parking area, mabigat ang bawat hakbang ko papunta sa
entrance.
Habang papalapit ay kung anu-ano ang naiisip ko.
...bakit pa nga ba ako sumunod?
....bakit ba gusto ko pa silang mahuli ulit?
...pero nandito na ako, hindi na ako aatras...tinatagan ko ang loob ko.
Naglakad ako palapit sa entrance...
No comments:
Post a Comment