Hindi maiiwasan
na dadating talaga tayo sa puntong kailangan na natin gumawa ng
paraan para tayo'y maka ahon sa hirap na ating pinag dadaanan. Mga
bagay na hindi natin sukat akalain na magagawa natin. Na kahit
sa pag iisip ay hindi man lang sumagi. Pero ngayon, ito. Nasa
isang trabaho ako na sino man ay hindi kayang sikmurain. Maliban
sa amin, mga laki sa hirap. Ngunit sa hirap din babagsak.Ako si
Maria, Magdalena ang tawag nila sa akin sa lugar ng aking
trabaho. Isa akong taga aliw at tagapag bigay ng saya sa lahat
ng parokyano at bisita na pumupunta sa aming bahay aliwan. Kung
paano ako napunta sa buhay na ito ay sasabihin ko sa inyo.
Bata pa lang ako
nang mamatay ang aking ina sa sakit na tuberculosis. Sa subrang
hirap ng buhay ay naglalabada ang aking ina sa umaga, at taga
tinda ng kakanin sa hapon. Sa subrang pagod ng katawan ay
biglang nanghina ang aking ina at doon ay nalaman namin na may tuberculosis
pala siya. Nag iisa akong anak ni ina at hindi ko pa nakikita ang aking
ama. Ang sabi ng aking ina ay pinalayas daw siya ng magulang ng
aking ama nang malaman nila na buntis ito.
Tutol sila sa
pag iibigan ng aking mga magulang kaya pinaghiwalay nila ito hanggang
mapunta ang aking ina sa malayong lugar at pinalaki ako ng mag isa. Sa
edad na sampu ay iniwan na ako ni ina. Hindi ko matanggap ang kanyang
pagkawala at ako’y subrang bata pa. Wala akong ibang mapuntahan
naliban sa aking tiyahin na mapang mata sa amin dahil kami ay mahirap
lang. Pero kahit ganon ay inasikaso nila ang burol ng aking ina
at binayaran ang purinarya kaya napalibing namin si ina.
Ngunit
akala ko ay tulong ang kanilang ginawa, hindi pala. Dahil
pagkatapos na pagkatapos mailibing ni ina ay kinausap ako ni tiya
na dapat bayaran ko daw lahat ng gastos na ginawa nila kay ina
at pag tatrabahoan ko ito hanggang nabayaran ko lahat. Kahit
hindi ko lubos maunawaan ay tumugon ako sa sinabi ni tiya at babayaran
ko siya sa aking pagtatrabaho sa kanya.Hindi na ako nakapag patuloy
sa aking pag aaral at ako'y sumama na lang sa pagtitinda sa aking
tiya sa palengke.
Sa aking musmos
na katawan ay buong araw akong naka tayo at nabibilad sa
maghapon para lang makapag diskarte sa pagtitinda kasama si tiya.Wala
pang anak si tiya, ngunit meron siya kinakasama. Sa haba ng
panahon na pagsasama nila tiya ay hindi pa sila nabibigyan ng
anak. Kaya dahil doon siguro kaya laging mainitin ang ulo ni
tiya. At si tiyo naman ay laging lasing. Mahilig din ito
tumambay at hindi man lang tumutulong kay tiya. Sinabayan pa ng
bisyo niya kaya halos walang natitira sa pera ni tiya at kinukuha
ni tiyo.
Halos
araw-araw din silang mag away dahil kinukuha ni tiyo ang pera ni
tiya para ibili ng bisyo niya. Sa aking batang katawan ay natuto
akong mag hanapbuhay. Kahit hindi maganda ang pakikitungo ni
tiya sa akin ay tinitiis ko. Wala kasi akong mapuntahan na ibang
kamag-anak at wala akong kilala. Sa bata kong pag iisip ay hindi
ko pa lubos maunawaan ang lahat.
Hanggang sa
paglipas ng panahon at ako'y nagdadalaga na at patuloy na
lumalaban sa buhay. Kahit papaano ay hindi ko napapabayaan ang aking
sarili. Nag uumpisa nang mahinog ang aking katawan. Nakikita ko
na ang pagbabago ng aking hinaharap at umpisang pagtubo ng mga buhok
sa ibabang parti ko. Nakikita ko din ang aking pagkakahawig sa aking ina. Ang
ganda ni ina ay lumalabas sa anyo ko. Lalo na at lagi kong tinitignan ang
litrato niya na tanging naiwan na alaala niya sa akin.
Bago matulog ay
katabi ko ang litrato ni ina. Sabay ang pag bagsak ng pagod kong
katawan, ay ang pag bagsak ng aking luha sa tuwing naaalala ko
ang masasayang alaala naming dalawa. Ako’y nangungulina sayo
ina. Mahal na mahal kita saan ka man naroon ngayon. Sisikapin
kong maging isang mabuting tao at katuwang ni tiya. Asahan mo
ina na aalagaan ko ang aking sarili. At babayaran ko si tiya sa
lahat ng pagkakautang natin. Dadating ang panahon ina na ako'y
lilisan dito. Pag kaya ko na ina ako'y aalis na sa lugar na
ito. Asahan mo ina at ako’y aahon dito.Nasa kwarto ako ngayon at
ako'y matutulog na. Ngunit may kumakatok sa aking pinto at
tinatawag ako ni tiyo sa labas.
"Maria
buksan mo nga sandali" tawag ni tiyo."opo tiyo" sabi
ko habang nagpupunas ng luha sa mata.
"bakit po
tiyo?" tanong ko.Pero walang sabi sabi ay tinakpan ni tiyo ang
aking bibig at itinulak papasok sa aking kwarto.
No comments:
Post a Comment